Pamahiin Tulay: Huwag Magsasabi ng Goodbye

Goodbye ang sinasabi natin sa tao kapag tayo ay nagpapaalam. Hindi na kasi tayo nakakasiguro kung muli pa ba tayong magkikita. Ito naman siyempre kapag hindi na talaga tayo nakasisiguro kung magkikita pa tayong muli. Maaaring siya ay mangingibang bansa o magupunta sa malayong probinsiya. Ngunit, bakit natin kakailanganing magsabi ng ‘goodbye’ kung magkasama lang naman layo sa bahay? Mas maigi kung ang sasabihin mo ay ‘see you later’.

Kung minsan kasi ang pagbulalas ng ‘goodbye’ ay maikukumpara rin sa pamamaalam. Parang sinasabi mo na tanggap mo ng hindi na kayo magkikita pa. Kaya naman sabi sa pamahiin, kapag ang kaibigan mo ay nakasalubong mo sa tulay ay huwag na huwag kang magsasabi ng goodbye. Maaari raw kasing hindi na kayo magkita pa.Ibig sabihin, baka ang isa sa inyo ay maaksidente’t mamatay.

Tiyak ko na hindi mo rin naman ito gugustuhing mangyari lalo na kung ikaw ay mayroong pamilya at tiyak ko na makukunsensiya ka ng husto kapag nalaman mo na ang kaibigan mong sinabihan mo  ng goodbye ay patay na. Sa pagbulalas mo kasi ng goodbye ay parang isinumpa mo na may masamang mangyayari sa kanya. Sa paglalakad mo kasi sa tulay ay hindi ka nakasisiguro kung sino ba ang makaririnig sa’yo. Maaari kasing may ‘nilalang’ na naninirahan sa tulay na iyon ang tutupad sa’yong sinabi at hindi mo naman gugustuhing maminsala sa’yong kapwa lalo na’t ito’y malapit sa’yo.

O,pakatatandaan mo itong sinabi ko,ah. Hindi naman ito mahirap gawin, eh. Huwag ka lang makallimot.

Courtesy of PhilippineOne.com

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here