Pamahiin Ligo: Mamalasin ang Susuway

Ikaw na lang ang magdsisyon kung susunod ka o hindi. Basata, kailangan mong malaman ang kamalasang iyong sasapitin.

Una, huwag maliligo bago magsugal. Hindi man maganda ang sugal, kailangan ko pa ring ipahayag kung ano ang pamahiin dito. Maaari ka kasing matalo kapag nagsugal ka dahil ang suwerteng nasa katawan mo, maaaring matangay kapag naligo ka na

Pangalawa, huwag kang maliligo kung walang laman ang tiyan. Tiyak kasi na sasama ang pakiramdam mo. Malalamigan kasi ang husto ang sikmura mo. Kaya, kailangan bago ka maligo, makabubuting humigop ka muna ng mainit na kape o tsokolate.

Pangatlo, huwag kang maliligo kapag may buwanang dalaw ka. Maaari raw kasing mapatid ang iyong katinuan kapag ginawa mo iyon. Papasukin daw kasi ng lamig ang iyong utak.

Pang-apat, huwag kang maliligo sa gabi. Makasasama raw iyon dahil puputi ang iyong dugo. Kaya, mas maigi pa na magpahinga ka na lang sa gabi.

O kung hindi mo talaga kayang tiisin ang iyong amoy, mas maigi pang magpunas-punas ka na lang.

Panlima, huwag maliligo ng Biyernes. Masyado raw kasing malakas ang kapangyarihan ng mga taong mayroong kapangyarihang itim. Baka ikaw ay mapasailalim sa kanilang kapangyarihan. Nakakapangamba rin na maari kang masaniban ng masasamang nilalang.

Courtesy of PhilippineOne.com

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here