Pamahiin Larawan: Paraan para maisip ka ni Labs

Nakakalungkot isipin na hindi lahat ng gusto mo ay iyong makukuha. Kahit gaano ka pa kaganda o kayaman kung hindi naman ikaw ang iniibig ng taong minamahal mo, hindi ka pa rin niya maihaharap sa harap ng altar para mangako sa’yo na tanging ikaw lamang ang mamahalin niya sa habambuhay.

O, nararanasan mo ba ang paghihirap na ito? Gusto mo bang bigyan kita ng tip para makuha mo ang kanyang atensyon? Huwag kang mag-alala, hindi ko naman isusuhestiyon sa’yo na i-flirt mo siya. Tiyak kasing mapapahamak ka lang lalo na kung mayroon siyang karelasyon. Sana lang ay gawin mo ito kung wala kang matatapakan.

Ayon kasi sa pamahiin, kapag ang larawan ng taong minamahal mo ay ilalagay mo sa ilalim ng iyong unan habang ikaw ay natutulog, magagawa ka rin niyang isipin. Hindi nga lang natin matitiyak kung magagawa ka rin niyang mahalin agad pero kung lagi ka niyang maiisip ay magkakaroon ka na ng pagkakataon na makuha mo ang kanyang atensyon. Maaaring iyon na ang unang hakbang para mapansin na niya ang iyong kagandahan o kapogian.

O, ano ready ka na bang subukan ito? Kung single naman siya, wala namang magiging hadlang kung sakaling puntahan ka niya o magpa-cute na siya sa’yo. Kapag kasi lagi kang nasa isipan niya ay aakalain na rin siya na nagugustuhan ka na rin niya kaya ang gawin mo na lang ay pasukin ng totohanin ang kanyang puso. Sa pamamagitan noon ay siguradong magkakaroon din kayo ng happy ending.

Malay mo, ‘di ba?

Courtesy of PhilippineOne.com

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here