Pamahiin Anak: Para Magkaroon ng Magandang Buhay

Paano ba ang magkaroon ng magandang buhay? Marami ang nagtatanong nito. Kung minsan kasi’y sapin-sapin na paghihirap ang iyong nararamdaman. May pagkakataon nga na di ka pa nakababangon sa pagsubok na iyong pinagdaraanan,mayroon na namang parating na trahedya. Kaya sa halip na makabangon ka, parang lalo kang nilulugmok.

Bakit nga ba? Bago ko sagutin ang tanong mo, may itatanong muna ano sa’yo. Naging mabuti ka bang anak? Kung iniisip mong ang katanungan na ‘yan ay walang kuwenta,nagkakamali ka. Ang katunayan, ang sagot mo ang magpapaliwanag kung  bakit ganyan ang nangyayari sa’yong buhay.

Ang mabubuting tao ay talaga namang pinagpapala. Kapag gumawa ka ng kabutihan sa’yong kapwa ay siguradong   susuwertehin ka. At dahil nga ipinag-uutos ng ating Panginoon na Igalang natin ang ating ama at ina. Ito ang Ikaapat na kautusan. Kailangan natin itong sundin dahil kapag pinasama natin ang kanilang loob siguradong tayo ay mapaparusahan. Mangyayari ito sa pamamagitan ng mga kamalasan na nangyayari sa ating buhay.

Kaya kung ayaw mong magkaroon ng kamalasan, gawin moa ng nararapat. Maging Mabuti kang anak at tiyak na ikaw ay susuwerthin. Tandaan mo,ang Panginoong Hesukristo natin ay mayroon ding mga magulang kaya hindi Niya magugustuhan kapag nakikita niyang binabastos at inahihirapan moa ng sarili mong mga magulang.

O, kung sa palagay mo ay masama kang anak, ito na ang pagkakataon mo para magbago.  ‘Yan naman ay kung talagang nais mong mabago ang iyong kapalaran.

Courtesy of PhilippineOne.com

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here