Kapangyarihan ng Salita

Bago ka magbulalas ng anumang salita, isipin mo muna  kung  makabubuti ba ‘yan o makakasama. Kung magbibigay ‘yan ng sama ng loob sa isang tao, malaki ang posibilidad na ikaw ay malasin. Sa madaling salita kasi, nakarma ka. Sabi nga, huwag mong gawin sa iba ang anumang ayaw mong gawin sa’yo.

Halimbawa na lang, kung ayaw mong pakialaman ng iba ang iyong buhay, huwag ka ring magti-tsismis o maninira ng buhay ng iba. Anuman kasing salita na ibulalas mo lalo na kung ito ay makakasama sa isang tao ay parang lason na sisira sa kanyang buhay. Kung siya ay talagang maaapektuhan sa mga salita mo, maaaring mawalan siya ng ganang mabuhay at kitlin pa niya ang kanyang buhay.

Ngayon, anong gagawin mo kapag ang taong iyon ay nagpakamatay? Hindi ka ba makukonsensiya? Siguro naman kahit gaano katalim ang dila mo ay makukonsensiya ka pa rin kapag nalaman mong may isang tao na piniling wakasan ang kanyang buhay dahil sa masasama mong sinabi sa kanya. Sana ay huwag mo naman hayaan na mangyari iyon dahil kahit sabihin mong buhay ka ay hindi ka na kailan pa matatahimik.

Napakalaki pa ng posibilidad na maparusahan ka. Alam mo naman siguro kung gaano kabilis magtrabaho ang karma. At kadalasan, sapin-sapin na kamalasan pa ang mangyayari sa’yo. Kaya, huwag kang gagawa ng masama sa’yong kapwa kung ayaw mong mag-boomerang ‘yan pabalik sa’yo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here