Ang Filipina Horoscope, Hunyo 3, 2020

ARIES THE DREAMER

(March 21 – April 19) 

Ang pagkakaroon ng disiplina sa pangaraw araw mong gawain ay magreresulta ng maganda. Sa oras na madiskubre mo na ang pinakamabilis na paraan upang matapos agad ang iyong mga gawain, ay maaring magkaroon ka pa ng pera at oras para sa iyong sarili o trabaho. Karapadapat lamang na ikaw ay bayaran sa mga gawain mo. Kaya naman gawin mo na itong agad.

TAURUS THE ARTIST

(April 20 – May 20)  Ang paglalaan ng oras sa iyong ispiritwal na sarili ay magbibigay sa iyo ng bagong pananaw sa buhay. Ikaw ay isang taong napaka praktikal, ngunit kadalasan ay nauubos ang iyong enerhiya sa mga responsibilidad mo sa pamilya. Maari mo itong gawin sa pamamagitan ng paggawa ng mga bagay na makatutulong sa mga simbahan. At pagbabago ng iyong mga nakasanayan.

GEMINI THE DIPLOMAT

(May 21 – June 20)  Ang pagbaba ng iyong proteksyon sa iba at pagtitiwala sa kanila ay makakatulong upang mas ma bigyan mo ng saya ang iyong mundo. Maaring pagod ka na sa kakaisip sa iba . Kahit pa hindi ka kumportable aminin ito. ito ang tama at ito ang nararapat. Huwag mong hayaang ang iba ang magdesisyon kung anong klaseng tao ka.

CANCER THE EMPATH

(June 21 – July 22)  Mayroon kang makakasalamuhang impluwensyal na tao ngayon at maaring sya na ang maging sagot sa iyong mga nais maabot. Ikaw ay may magaling na skill sa pamumuno kaya naman ay gamitin mo ito para sa iyong sarili. Tanungin mo siya at magpatulong upang mas mahasa pa ng iyong kakayahan at gumawa ka rin ng listahan ng iyong mga dapat gagawin.

LEO THE BOSS

(July 23 – August 22)  July 23 – August 22

Kung ang isang bagay na matagal mo ng ginagawa ay parang wala ka ng pakinabang, ito na ang oras upang baguhin ito. Maaring ang prosesong pinagtutuunan mo ng pansin ay kailangan na ng bagong paraan o routine. Maaring marami kang mga bagay na kakailanganin ngunit huwag kang magalala dahil mababawi mo rin ito.

VIRGO THE GIVER

(August 23 – September 22) Mapapalapit ka sa isang bata. Huwag kang magalala sa pag sspoil sa kanila dahil ito mismo ang kailangan nila. Hasain mo ang kanilang mga skill at galing. Pakinggan mo ang mga istoryang nais nilang sabihin sa iyo kahit pa patungkol ito sa mga laro . Dapat ay seryosohin mo sila at ibahagi ang mga larong ginagawa mo nung bata ka pa

Join us on Facebook

LIBRA THE LEADER

(September 23 – October 22)  September 23 – October 22

Ang pag-apak ng masaya sa pagiging lider ngayon ay magiging inspirasyon at suporta ng iyong team. Pinanganak ka para maging lider na minahal ng mga nagseserbisyo. Sa pagtrato sa mga tao kasama ang respeto at pag-aalaga, masaya sila na sundin ang iyong mga plano. Kaysa ibigay ang iyong mga utos, sabihan nalang sila na gawin ang lahat ng kanilang makakaya. Kung may mga taong nakuha kung ano ang iyong inaasahan ay bigyan mo sila ng parangal. Mas maganda ang trato mo sa iyong mga miyembro ay mas maganda ang magigingsamahan niyo.

SCORPIO THE MOTIVATOR

(October 23 – November 21) Ang iyong pagiging tahimik ay maaring ilagay ka sa dulo ng kompetisyon. Kung nais mo na makuha ang isang posisyon o premyo, huwag mo hayaan ang sarili mo na mahuli sa pagiging timtim. Habang ang lahat ng tao ay binabanat ang kanilang katawan para pahangain ang ibang tao na nasa posisyon, maging kalmado at ipakita kung ano ang iyong natural na makakaya. Kahit na hindi ikaw ang manalo basta naipakita mo ang totoong ikaw.

SAGITTARIUS THE SPIRIT

(November 22 – December 21)

Ang Piskal na responsibilidad ay ang pangalan ng laro muli bilang Saturn, ang planeta ng paglilimita, ay pumasok muna sa iyong 2nd House of Earned Income ngayon. Kung ang iyong paycheck ay hindi natuloy o kaya naman nawala ang iyong trabaho ay maging kalmado. Mas maganda na trabaho ang maibibigay sa iyo at mas malaki ang sweldo. Maging positibo ang pag-iisip at buksan palagi ang iyong mga mata.

Join us on Facebook

CAPRICORN THE BRAIN

(December 22 – January 19)  Ikaw ay laging umaasa lang sa iyong sarili. Habang ang mga tao ay nag-iintay sa mga kailangang sundin, ikaw ay pupunta na kaagad tsaka mo iisipin kung ano ang pinaka mabisang daan upang matapos ang plano o gawain. Ngayon na ang Saturn, ang iyong ruling planet, ay pupunta sa iyong 1st House of Identity, ito ay magiging madali para sa iyo sa kahit ano mang posisyon ka nakalagay. Ikaw ay magkalaroon ng suporta ng iyong kaibigan o kaya partner para manatiling mataas ang iyong tiwala sa sarili.

AQUARIUS THE SEEKER

(January 20 – February 18) Ang maginoong buhay ay hindi mo kailaman nagustuhan. Habang ikaw ay maaring mag eksperimento sa iyong saril, ideya, kaibigan, dalhin ang iyong kakaibang style ng bahay mo ngayon. Kung ang iyong living space ay nagrerekplesyon sa iyong mga nais at mga ginagawa sa buhay, ito ay maaring pagmulan ng enerhiya.

Hindi mo kailangang maging bukas na bukas tungkol sa iyong personal na buhay dahil kailangan mo lang ang iyong sarili para sa iyong mga problema.

PISCES THE TRAVELER

(February 19 – March 20)  Ang pagkakaroon ng kaibigan sa mataas na lugar ay maaring makatulong sa iyo. Kahit na hindi mo gusto humingi ng pabor sa mga tao, maaring ito ang pinaka mabisang paraan para sa iyo ngayon. Kung ikaw ay nagtatrabaho sa personal na pangarap o kaya naman ay sinusubukang maghanap ng trabaho, importante na mayroon kang tamang koneksyon. Sa tulong ng iyong kakilala, ikaw ay maaring mapunta sa magandang gawain na inilalagay ang iyong paa sa pintuan ngayon. Huwag mag-alala kung itong posisyon na ito ay hindi ganoon kalaki ang kita ngayon. Ang pagsisimula ng may kasamang pagmamahal ay maaring magbunga sa high-paid na posisyon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here