Mabubuo pa ba ang Relasyong Nawasak na?

Marahil lahat naman ng gusto ng tao ay puwedeng mangyari lalo na kung ang aayusin niya ay ang samahan nila ng kanyang mahal. Siyempre, kahit na gaano kasakit ang kanilang pinagdaanan ay mahihirapan siyang kumalas kung talagang mahal niya ito at nagsabi din naman ang kanng karlasyon na gusto rin nitong maayos a ang kanilang samahan.

Kung ang dalawang tao ay talagang nagmamahakan pa, hindi magiging imposible na sila nga ay magkabalikan. Ngunit siyempre, kailangan din ninyo ang maging matatag.

Kung ayaw ninyo talagang magkahiwalay ay hindi na ninyo uulitin pa ang pagkakamaling inyong nagawa.

Ang tanong, kaya ba? Gaya ng una kong sinabi, kung may pag-ibig ay hindi imposible. Gayunman, hindi lang dapat pag-ibig ang present. Kailangan din kasing naroon ang pagtitiwala at respeto. Alang-alang sa bagong ugnayan, kalimutan na ninyo ang nakaraan at mag-move on na. Huwag na isumbat pa ang mga pagkakamaling nagawa.

Tandaan mo, kapag hindi mo pinagkakatiwalaan ang isang tao ay para mo na ring kinalimutan na irespeto siya. Kaya, kung seryoso talaga kayong ayusin ang inyong relasyon, itapon na ninyo ang lahat ng walang kuwentang bagahe na nasa pagitan ninyo. Kapag nagawa mo iyon ay magkakaroon ka ng masayang buhay sa inyong relasyon.

O, ready ka ba?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here