Love letters, pinakamabigat na sandata sa pagpapakilig

Sa maniwala ka’t sa hindi, ang pinakamabisang paraan para mapasagot mo ang iyong nililigawan ay iyong magpapadala ka sa kanya ng love letter. Kaya nga malaki ang advantage mo kung isa kang makata o magaling kang manunulat. Sigurado ako na hindi matatapos ang ilang buwan at masagot mo na siya.

Bakit nga ba ganoon kadaling magpaibig ng babea sa pamamagitan ng pagsusulat? Wala kang ideya. Pwes, sa artikulo kong ito ay mariin kong sasabihin ang mga dahilan kung bakit Love letters, pinakamabigat na sandata sa pagpapakilig.

Una, naipakita mo ang iyong talino at talento. Para sabihin ko sa’yo, mas natutunaw ng mga lalaki ang puso ng babae kapag marunong siyang magsulat. Para kasing hinahaplos mo rin ang kanyang puso sa bawat salita mo. Kaya, lagi siyang mapapangiti sa tuwing babasahin niya iyan at tiyak din na sobra siyang kikiligin.

Pangalawa, maipapakita mo ng iyong husto ang iyong effort. Kapag nag-alay ka sa isang babae ng isang tula o kuwento siguradong sagad sagaran ang kilig niyan. Ang lagi kasi niyang iisipin ay hindi ka magsasayang ng oras dahil  dahil lang sa trip mo. Siyempre may matinding dahilan. At ang dahilan siyemreng iyon ay pag-ibig mo.

Pangatlo, mas naa-appreciate ng mga kababaihan ang isang bagay na pinaghirapan. Oo nga, masarap makatanggap ng roses at chocolates pero kapag ang bulaklak ay nalanta at ang chocolate ay naubos, mabubura ka na rin sa kanyang alaala. Samantalang kung ikaw ay gagawa ng love letter, siguradong kahit na lumipas pa ang mga taon ay magagawa pa  rin niya iyong itago at pahalagahan.

O, gagawa ka na ba ng love letters?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here