PAANO MAALIS ANG PASO SA ARAW UPANG DI ITO MAGRESULTA SA PAGKAITIM

1. UMALIS KAAGAD SA SIKAT NG ARAW KAPAG NAKITA NA IKAW AY NAGKAROON NG SUNBURN

Kada sigundo ng sikat ng araw ay nakapagpapalala ng sunburn. Ang pagpasok sa loob ay ang pinakamainam. Pero kung ito ay imposible magpunta sa pinakamalapit na silungan.

               ~Ang mga payong sa beach ay nagbibigay ng proteksyon mula sa UV Rays kung ito ay malaki o gawa sa dense fabric.

               ~Ang bilad ng araw o kahit ang sikat nalang nito ay kayang tumagos mula sa mga ulap hanggang sa dahon.

2. MALIGO NG MALAMIG NA TUBIG

Ang tubig ay mapalalamig ang iyong balat at makakatulong upang mabawasan ang iyong sunburn. Iwasan ang laggamit ng sabon dahil mapapatuyo nito ang balat at maiiritate. Pagkatapos, magpatuyo gamit ang hangin. Ang paggamit ng tuwalya ay hindi maginhawa.

               ~Kung gagamit ka man ng tuwalya, idampi mo lang ito at wag ipangkuskos.

3. MAGLAGAY NG ALOE VERA GEL O MATAPANG NA MOISTURIZER

Ipahid mo ito sa iyong paso upang ma moisturize at mapalamig ang iyong balat. Ulit-ulitin mo lang ito palagi o gawin ito dalawang beses sa isang araw upang mabawasan ang pagkatuyo at pagbabalat.

               ~I-konsidera ang paggamit ng lotion na may Vitamin C at E, nababawasan nito ang paso sa iyong balat.

               ~Iwasan ang mga produkto na malangis at may alcohol.

               ~Kung mayroon ka naman tanim na aloe vera, gamitin mo ang gel nito at ipahid sa paso.

               ~Ang gel na galing sa aloe vera ay talaga nga naman na epektibo at natural.

4. UMINOM NG MARAMING TUBIG

Ang mahabang pagkababad sa araw at nagbubunga ng dehydration. Ang sunburn ay tumutuyo rin ng tubig sa ating balat at sa buo nating katawan. Tandaan laging uminom ng sobrang tubig sa mga susunod na araw.

               ~Lumagpas sa nakasanayan na 8 baso ng tubig sa isang araw hanggang maghilom ito, lalo na kung ikaw ay nasa mainit na lugar o naglalaro ng sports o iba pang bagay na pinagpapawisan ka.

Maraming salamag sa inyong pagbabasa.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here