Ang Filipina Horoscope, Hulyo 1, 2020

ARIES THE DREAMER

(March 21 – April 19) 

Ikaw ay gumagawa ng magandang bagay para sa pagusbong ng iyong career. Ang pinaka magandang paraan upang magtagumpay ng mabilis ay gumawa ng mga maliliit na gawain na walang gustong tumanggal. Ang ilang mga tao ay gumagawa ng kamalian sa pag tanggi sa mga gawaing tinggin nila ay masyadong madali para sa kanila. Kung ikaw naman ay naghahanap ng trabaho subukan mong mag volunteer sa mga organisasyon.

TAURUS THE ARTIST

(April 20 – May 20)  Alagaan mo ang iyong sarili sa araw na ito: bilhan mo ang iyong sarili ng kahit anong nais mo, maligo ka ng nakakarelax o kaya naman ay mag online shopping. Ang isang kagaya mo ay dapat inaalagaan. Kapag katapos nito ay magpapasalamat ka sa iyong sarili dahil napakarami mong enerhiya upang gawin ang mga bagay bagay o mga trabaho ng may galing.

GEMINI THE DIPLOMAT

(May 21 – June 20)  Maaring makakatanggap ka na ngayon ng pamana o kahit anong pang pera galing sa iyong pamilya. Kung wala ka pang bahay ay maari ka namang magtrabaho para dito ito na ang magandang panahon upang gawin ito. Humingi ka ng tulong sa isang mabait na kamaganak at siguradong pagbibigyan ka niya.

CANCER THE EMPATH

(June 21 – July 22)  Maaring pakiramdam mo ay mayroon kang kakaibang koneksyon sa isang tao. Kausapin mo ang taong ito at gumawa ng mga trabaho kasama siya ang iyong mga kagalingan ay makakaakit ng mga opurtunidad at pagibig . Ang taong ito ay tutulong sa iyo upang mas mapadali ang mga gawain mo.

LEO THE BOSS

(July 23 – August 22)  July 23 – August 22

Ang paggawa ng mga bagong gawain o mga routine sa iyong buhay ay makakatulong ng malaki sa iyong kasiyahan. Kung ikaw ay naghahanap ng trabaho ay humanap ka ng trabaho kung saan ka magiging masaya kundi naman ay magtrabaho ka nalamang o mag business para sa iyong sarili. Ang paraan na ito ay makakatulong sa iyo upang maging masaya ka sa trabaho mo habang kumikita ng pera..

VIRGO THE GIVER

(August 23 – September 22) Ang iyong karisma ay napakataas ngayong ataw gamitin mo ito sa iyong advantage. Gamitin mo ito upang makahanap ng mga opurtunidad. Kahit pa dadami ang mga opurtunidad sa iyo makakatulong naman ito upang mas gumaling ka at mas maging stable financially.

Join us on Facebook

LIBRA THE LEADER

(September 23 – October 22)  September 23 – October 22

Maaaring naramdaman mo na tila ba hindi maganda ang magiging araw ngayon, ngunit kaysa umakto na tila ba ayos lang ang lahat, maging tapat sa kung ano ang iyong nararamdaman. Sabihin sa mga tao na maging mapagpasensiya sa iyo at ipaliwanag na ikaw ay nagkakaroon ng mahirap na araw. Maaaring magulat ka sa magandang sagot na ibibigay nila sayo. Maaaring mula sa pamilya ang pinagmumulan ng iyong stress at maaring hindi nila naiintindihan na ang pag-uugali nila ay maaring malaki ang apekto sa iyo. Importante na mahalin ang iyong sarili ngayon dahil sa sarili nagmumula ang kasiyahan.

SCORPIO THE MOTIVATOR

(October 23 – November 21) Ang pagiging iba ay tila ba karangalan. Huwag masaktan kung ang mga miyembro ng iyong pamilya ay hindi naiintindihan ang iyong style. Sa pagiging totoo sa iyong sarili, makakakuha ka ng mas maraming kaibigan at opurtunidad na makapagpapasaya sa puso mo. Pigilan ang temptasyon para sabihan ng masasamang bagay ang mga mahal mo sa buhay. Maging mas magandang uri ng tao at itrato ang mga tao kung ano ang gusto mong itrato sayo.

SAGITTARIUS THE SPIRIT

(November 22 – December 21)

Ang maliit na therapy ngayon ay maaring mauwi sa pagsisisi. Kahit na ikaw ay nakakaramdam ng emotional boid ngayon, huwag subukan na punuin ito sa mga materyal na bagay. Gumawa nalang ng mga bagay na makakapagpabuti sa iyong pakiramdam. Ito ay maaring pagbabasa ng libro o kaya naman ay pag gamit ng ng musical instruments. Kung ikaw ay nagnanais parin ng comfort pagtapos mo gawin ang mga nabanggit ay ilibre mo namna ang iyong sarili. Huwag muna alalahanin ang mga taong nakapaligid sayo dahil oras ito para sa sarili mo.

Join us on Facebook

CAPRICORN THE BRAIN

(December 22 – January 19)  Ang iyong commanding presence ay maaring maging nakakatakot sa ibang tayo, lalo na ngayon. Kung nakita mo ang mga tao na umurong sa iyong pagdating, subukan ibaba muna saglit ang iyong makapangyarihan personalidad. Ang mga jokes o kaya naman ay magandang ngiti ay magbibigay ng malaking pagbabago. Kung ikaw ay hindi nakakagawa ng pera na nais mo, huwah mo ito ilabas sa iba. Ang Saturn, ang iyong ruling planet ay gumagalaw papunta sa iyong 2nd House of Earned Income at nakakatanggap ito ng matinding sinag mula sa buwan. Ang pinaka mabisang paraan para gumawa ng pera ay maging mapagpasalamat. Magpasalamt sa kung ano ang meron ka.

AQUARIUS THE SEEKER

(January 20 – February 18) Ang mabibigat na responsibilidad ay nasa iyo, kaya kung ang iyong amo o ang iba pang awtoridad ay sinubukang bigyan ka pa ng mas madaming gawain ngayon, ikaw ay maaring magwala. Kaysa alisin ang iyong ningning, maging mapagpasalamat nalang sa kung ano ang binigay nila sa iyo. Dahang dahang ipaliwanag na marami ka pang dapat gawin para tanggapin ang kanilang mga pinapagawa. Hindi kailangang ipilit ang mga bagay.

PISCES THE TRAVELER

(February 19 – March 20)  Ang paghahalo ng kaibigan sa mga bayarin ay maaring hindi maging magandang ideya ngayon. Posible na ang isang tao sa iyong social circle ay magtanong para sa utang o kaya pilitin ka na gumawa ng investment. Kahit na gusto mong tulungan ang taong ito, kailangan na unahin mo muna ang mga bayarin mo. Maghanda na sumagot ng hindi kasama ang magalang na pagsasalita. Nagtrabaho ka para sa iyong sariling pera at hindi mo responsibilidad na pilitin ang iyong sarili na bigyan ang ibang tao dahil lang sa sila ay nagsabi.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here