Ang Filipina Horoscope, Hunyo 29, 2020

ARIES THE DREAMER

(March 21 – April 19) 

Ikaw ay papasok sa isang pangyayaring magpapaexcite sa iyo. Gagabayan ka ng planetang mars. Nais mong laging pinakamagaling, ngunit ngayon ay totoo ito. Ang pagpasok o pagsali sa isang patimpalak ang magpapakita nito.

TAURUS THE ARTIST

(April 20 – May 20)  Ang pagtatrabaho ng hindi ikaw ang bida ay magiging adbantahe mo ngayon. Huwag kang magalala dahil kailangan rin ng ibang maging bida may kaniya kaniya tayong oras. Hindi man ikaw ang magiging bituin ay mga karanasan at kagalingan naman ang makukuha mo rito.

GEMINI THE DIPLOMAT

(May 21 – June 20)  Humanap ka ng mga kaibigan, o mga katrabahong tutulong sa iyo ipang imahon at manatihing kalamado ngayong araw. Maari mo naman itong gawin sa video chat kailangan mo kasing patatagin ang relasyon sa pagitan mo at ng mga taong ito. Gumawa ka ng usapang ikakaaliw nyong lahat at huwag hayaan maiwan ang isa sainyo sa usapan.

CANCER THE EMPATH

(June 21 – July 22)  Ang iyong motibasyon ay tutulong upang humanap ng isang gawaing tutulong sa iyong umahon. Napakagaling mo at ang isang takng kagaya mo ay hindi lamang dapat isang trabahador bagkus ay ikaw dapat ang maghahanap ng mga magtatrabaho sa iyo. Malaki ang iyong potensyal sa pagtatagumpay

LEO THE BOSS

(July 23 – August 22)  July 23 – August 22

Ang isang pagnanais ang babalot sa iyo. Kahit pa hindi posibleng umalis ng malayo ngayon ay kailangan mo paring tumulong sa iba kahit kaunti lamang. Maaring sa pamamagitan ng pagsasalita at panghihikayat sa ibang tao.

VIRGO THE GIVER

(August 23 – September 22) Ang pagmamahal mo sa iyong trabaho ang magaalis sa isang praktikal na pagiisip ngayong araw. Nais mong mahalin ka kaya naman maghahanap ka ng atensyon sa isang taong karelasyon mo kahit hindi iyong sexual na relasyon. Magpaganda o magayos ka ngayong araw at makikita mo ang kagandahan mong tinataglay.

Join us on Facebook

LIBRA THE LEADER

(September 23 – October 22)  September 23 – October 22

Ang iyong kabaitan ay nakakatulong para gumawa ng magagandang relasyon sa iyong buhay, ngunit ang kaparehas na katangian ay maaring hinahawakan ka pabalik mula sa iyong ibang mga importanteng hangarin. Makipagpares sa isang tao na hindi takot na pumunta kahit saan ang kanilang tiwala sa sarili ay bibigyan ka ng benepisyo. Kung may kapares kana na katulad nito sa iyong buhay, hikayatin ang iyong kapares na ituloy ang isa sa kanilang mga pangarap.

SCORPIO THE MOTIVATOR

(October 23 – November 21) Mayroong makapangyarihang pag-uugnay sa gitna ng iyong pisikal at mental na pagkatao. Importante na ang pisikal na aktibidad ay maaging magandang gawain para sa anxiety. Kahit na ikaw ay mag yoga tuwing umaga o tumakbo sa treadmill, ang paggalaw ng iyong katawan ay papalinawin ang iyong isip at bibigyan ka ng mas maliwanag na pananaw.

SAGITTARIUS THE SPIRIT

(November 22 – December 21)

Ang pagkuha ng pagkakataon ay maaring magresulta sa magandang premyo ngayon. Ikaw ay nanggigigil na libutin ang hindi pa kilala, lalo na kung kasama ang elemento ng panganib. Ang pag-iintay sa magandang bagay para mangyari ay pagsasayang ng enerhiya. Kung ang gusto mo ay pag-ibig, pera, o creative fulfillment, ito ang tamang oras para ituloy ito. Huwag hayaang ang mapag-alalang mahal sa buhay ay bigyan ka ng mga salita na maaring makapagpatigil sayo. Gawin lahat upang maituloy ang iyong nga mithiin..

Join us on Facebook

CAPRICORN THE BRAIN

(December 22 – January 19)  Ang bagong aktibidad o ang pagpapabago ng inyong bahay ay maaring mapunta sa ilalim ngayon habang ang Mars ay gumalaw sa iyong 4th domestic house. Gumawa ng listahan ng mga simpleng trabaho na nais mong tapusin sa bahay karamihan sa mga ito ay matatapos mo pagtapos mo manood ng mga  videos. Ang bawat bagay na natututunan mo at ginagawa mo ay maaring kaunting kaalaman na mababaon mo para sa iyong kinabukasan.

AQUARIUS THE SEEKER

(January 20 – February 18) Ang iyong isip ay naghahangad ng panibagong kaalaman sa isang beses na ang Mars ay pumasok sa iyong 3rd House of Information ngayon. Kahit na ang tradisuonal na pagpasok sa eskwela ay hindi pwede ngayon, ang online program ay may magagawang mabuti para sa iyo. Posible na masisiyahan ka sa karanasan na ito kaysa sa in person seminar, dahil gagawin mo ito sa oras na nais mo. Sa oras na matapos mo itong pag-aaral na ito, ikaw ay maaring magbahagi ng iyong mga natutunan ng may lakas ng loob sa iba.

PISCES THE TRAVELER

(February 19 – March 20)  Ikaw ay maaring mapunta sa mahirap na kompetisyon,ngunit ikaw ay maaring mapunta parin sa ibang moneymaking na opurtunidad ngayon. Ang assertive Mars ay lumipat sa iyong 2nd House of Income, pinapalakas ang iyong kapangyarihan sa lugar na ito. Habang posible na ikaw ay kailangang magbigay ng technical skills para gawin ang trabahong ito, ang iyong pagpayag na palawakin ang mga boundaries ay maaring magbigay ng masayang karanasan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here