Sampung Payo na hindi dapat Kalimutan ng Mag-Asawa

  1. Mag-usap palagi – Kahit gaano kayo ka-busy sa inyong trabaho, dapat lang na may oras kayo sa isa’t isa. Sa pamamagitan nito, mananatili ang init ng inyong pagmamahalan. Madalas, ang komunikasyon ang nagiging problema kaya   nauuwi sa hiwalayan ang mag-asawa o magkarelasyon.
  2. Huwag babalewalain ang iyong partner – Siguro naman ay nakikita mo ang mga ginagawa ng iyong asawa para mapasaya ka, purihin mo naman siya. Huwag mong balewalain ang mga pagsusumikap niya para magkaroon kayo ng masayang pagsasama. Ipakita mo rin sa kanya kung gaano mo siya minamahal at pinahahalagahan.
  3. Irespeto mo siya – Anuman ang pagkukulang ng iyong partner, huwag na huwag mo siyang mamaliitin. Baka hindi mo alam lahat tayo ay may iba’t ibang kakayahan. Saka noon pa langna pinakasalan mo siya ay alam mo na ang kahinaan niyang iyon. Ang dapat mong gawin, punan ang kanyang pagkukulang. Baka naman kasi iyong kahinaan niya ay kalakasan mo at ang kalakasan niya ay ang kahinaan mo. Mas maigi pang magtulungan na lang kayo.
  4. Maging maayos ka palagi – Aba, hindi porke kasal na kayo ay pababayaan mo na rin ang sarili mo. Tandaan mo, kaya ka niya nagustuhan ay dahil maganda o guwapo ka. Maging kaya-aya ka palagi sa paningin niya para lagi kayong masaya.
  5. Ibahagi mo sa’yong partner ang iyong hilig – Huwag kang mahihiyang sabihin sa kanya ang mga gusto mo. Dapat nga ay masaya ka pang magkuwento sa kanya tungkol sa ,mga kinahihiligan mo. Maigi rin siyempre kung sasamahan mo siya sa kanyang mga trip.
  6. Aminin mo sa kanya ang iyong mali – Kalimutan mo muna ang iyong pride. Kung alam mong may pagkakamali ka, umamin ka manghingi ka ng sorry. At kung pinatawad ka na, huwag mo na uulitin ang pagkakamali na iyon.
  7. Magtiwala ka sa’yong Partner – Kung wala ka namang nakikitang gumagawa siya ng mali, huwag mo siyang husgahan. Alalahanin mo, maraming tao riyan ang nasisiyahan kapag may relasyong nasisira.
  8. Huwag Magsumbatan – May mga pinagdaanan kayo na dapat na ninyong kalimutan kung nagkatawaran na naman kayo. Hindi kasi tamang isasali pa ninyo ang away ninyong iyon sa kasalukuyan ninyong pagtatalo dahil lalala lang ang di ninyo pagkakaunawaam.
  9. Magtulungan palagi – Kung may negosyo ang iyong partner, kailangan mo siyang suportahan. Kapag nagawa ninyong suportahan ang isa’t isa, tiyak na mas hahaba pa ang inyong relasyon.
  10. Maging tapat – Hindi mo kailangang magsinungaling sa’yong partner. Gaano man kabigat ang sitwasyon, dapat alam niya.

            O, sana ay sundin n’yo ito, ha.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here