1. ARALIN ANG IYONG LITRATO
Ang unang hakbang upang maging maganda ang litrato mo ay alamin mo muna kung ano ang itsura mo sa mga ito. Ilabas mo ang luma at bago mong litrato at pag-aralan ito, alamin kung ano ang nababagay sayo at yung hindi. Tignan ang angle ng pagkuha ng litrato at ang angle ng iyong mukha upang malaman kung saan ang tamang anggulo mo.
2. PRACTICE MAKES PERFECT
Kapag nalaman mo na kung ano ang tamang anggulo para sayo, dumirteso sa salamin at sanayin ito. Siguraduhin na maglalaan ka ng oras para sa bagay na ito. Umpisahan sa pagsubok ng iba’t-ibang anggulo at poses na nagustuhan mo sa iyong mga dating litrato.
3. PUMILI NG TAMANG LIWANAG
Kapag dating sa photography, ang liwanag ay importante, kaya ang tamang pagpili ng liwanag ay talaga nga namang mahalaga upang maging maganda sa kahit anong litrato. Kahit na natutukso ka na kumuha ng litrato sa sinag ng araw, ang overcast condition ay mas mainam.
4. GUMAMIT NG MGA APP SA SELPON
Ang paggamit ng apps upang ma adjust at ma-edit ang mga litrato mo ay kayang mapaganda at mas maging nakaayang tignan sa mata. Sa kasalukuyan napakaraming pagpipilian sa pagkuha ng litrato at upang pagandahin ito gamit lamang ang iyong cellphone
5. MAGSUOT NG MGA NAKAKA-AYANG DAMIT
Kapag naghahanda para mag picture, mahalaga na ikonsidera kung ano ang susuotin mo at pumili ng maganda. Parte ito, kaya naman alamin kung ano bagay sayo at kung ano hindi bagay sayo.