Ang Filipina Horoscope, Hunyo 23, 2020

ARIES THE DREAMER

(March 21 – April 19) 

Ang paggawa ng tahanan na masaya, komportable at safe ang iyong prayoridad ngayon. Maari kang gumawa ng mga pagbabago sa inyong bagay. Hindi mahalaga na gumastos ka pa ng napakarami. Mayroong ding kakaibang opurtunidad ang dadating sa iyo at tutulong ito upang magkaroon ka ng pera na magagamit sa pag aayos ng inyong bahay. Maari karing lumipat sa lugar na naayon sa inyong pamumuhay..

TAURUS THE ARTIST

(April 20 – May 20)  Ang pagpapaganda o magsasaayos ng pagtingin mo o pananaw sa mga bagay bagay ang kailangan mong pagtuunan ng pansin ngayon. Tutulong ito upang mas mapabuti ang iyong buhay at mas maging masaya ka. Lalo na ngayon at nakararamdam ka ng lungkot. Gumawa ka ng mga bagay na masaya kang gawin at huwag hayaan ang iba at magsalita sa kung ano ang dapat mong gawin, huwag mo silang pakinggan.

GEMINI THE DIPLOMAT

(May 21 – June 20)  Ang pagbabago sa iyong kinikita ay makakaapekto at makakapagpabago sa ilang aspeto nv iyong buhay. Gusto mo na binabayaran ka base sa trabaho na gawa mo. Huwag mong hayaang maapektohan ka sa sinasabi ng iba at bilhin mo lamang lahat ng ambisyon mo.

CANCER THE EMPATH

(June 21 – July 22)  Ang pagalam sa totoo mong potensyal ay mangyayari lamang kung aalis ka sa mga relasyon o gawaing hindi na tumutulong sa iyo . Ang pagaalis ng mga pasain ay tutulong sa iyo upang mas mapabilis na maglakbay sa buhay. Magpaganda ka o magpapogi ayusin mo ang iyong sarili at ipakita sa kanila ang alindog mong taglay.

LEO THE BOSS

(July 23 – August 22)  July 23 – August 22

Subukan mong gumawa ng isang ispiritwal na bagay gaya ng pagdarasal o ano pa. Huwag na huwag mawawalan ng pananalig kahit pa dumadaan sa malalaking problema sa buhay. Huwag mong hayaang makita kanila dahil sa trabahong ginagawa mo dahil hindi ka nito sinasalamin

VIRGO THE GIVER

(August 23 – September 22) Kailangan mong makipagtulungan. Kahit pa magaling ka kailangan mo paring makipagkapwa sa iba. Tutulungan ka nito sa kung ano mang inaasam mong ipagtagumpay ngayon, trabaho man buhay o ano pa. Marami ka ring matututuhan at mga gawaing magagamit mo bilang asset

Join us on Facebook

LIBRA THE LEADER

(September 23 – October 22)  Ang pagkuha ng parangal sa iyong propesyon at kagalingan ay magiging masaya ngayon. Ang mga tao ay tatangkilikin ang iyong mga ginagawa. At dahil tinatrato mo ang lahat ng may respeto, kahit ang mga makakapangyarihan na tao ay nais ba makisalamuha sayo. Ang iyong reputasyon bilang peacemaker ay maaring makaakit sa magandang karera ngayon. Patuloy na respetuhin ang mga tao at ganun din ang gagawin nila sayo at sa mga ginagawa mo.

SCORPIO THE MOTIVATOR

(October 23 – November 21) Ikaw ay napapaligiran ng mga tao na naging takot sa matagal na panahon at ikaw ay handa ng tumakas. Ngunit kaysa putulin ang iyong koneksyon sa mundo, subukan mong gumawa pa ng mas maraming bagay. Kung hindi pa pwede umalis dahil sa mga pangyayari, isulat ang iyong  mga nais na puntahan pagtapos ng mga nangyayari. Paganahin mo ang iyong imahinasyon ss mgs bagay na nais mong tuparin.

SAGITTARIUS THE SPIRIT

(November 22 – December 21)

Ang isang financial blessing ay maaring dumating sa paamamagitan ng, inheritance, legal settlement o kaya naman ay royal agreement. Ang galaw ng hangin ay magandang gamitin para sa iyong mga nais. Kahit na ito ay pagbili ng kotse o kahit ano pa man basta napapasaya nito ang iyong puso. Kapag pinalibutan mo ang sarili mo ng mga bagay na ikasasaya ng puso mo ay hindi pagiging materialistic kundi pagmamahal sa sarili..

Join us on Facebook

CAPRICORN THE BRAIN

(December 22 – January 19)  Ang paggawa ng grupo upang palakasin ang inyong mga sarili ay maganda ngayon. Kahit na ikaw ay magaling sa pag abot ng iyong mga ambisyon, ikaw ay maaring mahirapan sa pagkuha ng iyong mga kailangan. At doon mo makikita kung gaano kalaki ang tulong na maaring ibigay sa iyo ng isang tao. Ang pagbuo ng grupo na may kaparehas ng iyong mga hangarin ay magiging malaking tulong sa ito. Respetuhin ang iyong mga kasama upang mas maging maganda ang inyong relasyon at para mapatibay na din ang iyong sarili para gawin ang mga kailangang gawain.

AQUARIUS THE SEEKER

(January 20 – February 18) Ang panibagong paglapit sa iyong kalusugan ay magreresulta ng malaki sa iyong buhay. Kahit na ikaw ay maaring maayos sa iyong mga paraan, ang Solar eclipse sa iyong 6th House of wellness ay binigbigyan ka ng lakas upang magsimula ng panibavkng buhay. Ang isang magandang gawain ay maaring mabago ang mas marami pang gawain. Gawin ang magagandang bagay para sa magagandang resulta

PISCES THE TRAVELER

(February 19 – March 20)  Habang anag ibang tao ay nagdudusa sa kanilang mga problema, gawin mo ang mga pangyayari bilang inspirasyon upang maging matibay. Tangkilikin ang kalikasan at gumawa ng mga bagay na nais mong gawin. Bigyan ang iyong sarili ng mga gawain na unang beses mo palang gagawin. Ang mga bagay na gusto mo ay magagawa mo sa pamamagitan ng pagtitiwala sa sarili na kaya mong gawin ito.

Join us on Facebook

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here