Sino Ba ang dapat panigan, ang Asawa o ang Magulang?

Ang asawa ay mapapalitan pero ang magulang, hindi. Ibig bang sabihin nu’n, kahit wala sa katwiran ang magulang mo na inaaway ang iyong asawa, sila pa rin ang kakampihan mo? Aba, kung ganu’n ang gagawin mo, malamang, sa paghihiwalay din ang kahahantungan ng inyong pagsasama.

Kahit gaano ka kamahal ng iyong asawa, may hangganan din ‘yan. Kung hindi mo siya binibigyan ng proteksyon para ipagtanggol siya, magsasawa rin ‘yan at kapag nakakita siya ng magtatanggol sa kanya baka ma-out of love siyang tuluyan sa’yo. Ngayon, tanungin mo ang iyong sarili, kaya mo bang magkaroon ng iba ang iyong asawa?

Ang simpleng problema ay maaaring maging isang malaking dagok sa’yong buhay, kung hindi mo siya sosolusyunan agad. Ibig kong sabihin, kung may problema sa pagitan ng iyong asawa at magulang, matuto kang mamagitan. Maging magalang kang ipagtanggol ang iyong kabiyak dahil iyong ang nararapat lalo na kung siya ay naaapi.

Kung ang iyong magulang at asawa ay naninirahan sa  isang bubong, makabubuti kung bubukod kayo ng bahay ng asawa mo. ‘Yon naman kasi ang nararapat. Hindi dapat nagsasama sa isang bubong ang biyenan at manugang. Kumbaga sa isang kaharian, hindi maaaring magsama sa isang palasyo ang parehong reyna o hari.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here