Mga Simple pero Epektibong Paraan para Manatili ang Kagandahan

  1. Huwag Magpa-Stress – Isaksak mo sa’yong isipan na ang problema ay nakakapangit kaya iwasan mo ang maging busangot palagi. Sabihin mo na lang sa sarili mo, lahat ng problema ay may solusyon.
  2. Huwag Magpupuyat – kung mari ay matulog ka ng 9pm. Kailangan kasing kalmante na ang isip at katawan mo sa oras na iyon. Kung mali-late ka a ng tulog o may plano kang magpuyat, siguradong magkaka-eyebags at pimples ka.
  3. Mag-ehersisyo – Kung nais mong gumanda ang iyong katawan, ugalin ang mag-exercise. Kahit 30 minutes kada araw. Tiyak nang taba mo ay matatagtag.
  4. Kumain ng prutas at gulay – Ugalin mong kumain ng mga pagkain na makapagbibigay sa’yong sustansiya oara gumanda ang iyong kutis. Makabubuti rin kung iiwasan mong kumain palagi ng sitsirya, candies at kung anu-anong pagkain na makagbibigay sa’yo ng kung anu-anong karamdaman tulad ng alta-presyon, sakit sa puso, diabetes at sakit sa bato.
  5. Iwasan ang sobrang  pagamit ng make-up – Kawawa kasi ang ang kutis mo kapag hindi ‘yan umakma sa’yo. Makabubuting siguraduhin mo munang hiyang ka sa make up na gagamitin mo bago mo ilagay sa’yong mukha. Paano ka makakasiguro kung hiyang sa’yo o hindi? Ilagay mo muna ang bagong make up sa’yong may pulsuhan. Kapag nangati ka,huwag mo na gamitin sa iyong mukha dahil siguradong papangit ka.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here