Ang Filipina Horoscope, Hunyo 19, 2020

ARIES THE DREAMER

(March 21 – April 19)  Aries

Ang isang kaibigan o isang kapamilya ay kakailanganin ang iyong tulong, magiging masaya karito dahil minsan lamang ito humingi ng tulong sa iyo at napaka bait sa iyo ng taong ito.

Panahon na upang suklian ang kanyang kabutihan

TAURUS THE ARTIST

(April 20 – May 20)  Isa kang malikhaing tao at ngayong araw ay magagamit mo ito ng lubusan . Mayroon ka kasing proyektong gagawin at dahil sa iyong pagkamalikhain ay pupurihin ka ng lahat at kakamanghaan. Magiging paraan ito upang mas hangaan ka pa nila.

Ipakita ang iyong naaangking galing

GEMINI THE DIPLOMAT

(May 21 – June 20)  Huwag ka masyasong gumalaw at kumalma ka lamang ngayong araw. Huwag ka masyadong mamuna ng ibang tao dahil magiging malapit ka sa away. Maging masaya ka lamang sa iyong sarili at huwag na pakealaman ang iba.

Sarilinin mo nalang ang saluobin

CANCER THE EMPATH

(June 21 – July 22)  Hindi ka nagkulang sa mga ideya ngayong araw. Ngunit huwag kang magpadalosdalos sa paggawa o pagsasagawa ng iyong mga ideya pagisipan mo muna itong mabuti at ang mga maaapektohan kapag ginawa mo ito.

LEO THE BOSS

(July 23 – August 22)  July 23 – August 22

May dadating na napaka importante na dapat mong tingnan at balikan ngayon upang tingnan kung ano ito. Hindi ka maglalagay ng napaka laking effort para tingnan kung ano ito ngunit magbibigay ka ng maraming effort upang maisaayos ito.

Gawin mo ang nararapat.

VIRGO THE GIVER

(August 23 – September 22) Ikaw ay tapat na naniniwala na walang hangarin na hindi mo maaabot ngunit habang ang Mercury ay sinimulan ang isa sa kanyang retrograde phases ngayon maaring biglang tumigil ang oras sa pag-abot ng isang bagay at ito ay ayos lang dahil hindi ka naman nagmamadali.

Wag daaanin ang lahat sa madalian upang mas maganda ang magiging kalalabasan

Join us on Facebook

LIBRA THE LEADER

(September 23 – October 22)  May pagkakataon na nanaisin mo na sumuko sa bagay na hindi gumagana ngayon ngunit wag padalos-dalos ng desisyon. Maaring abutin ito ng linggo ngunit ang iyong ginawa ay magbubunga. Hindi ka orasan kaya kumalma ka lang at huwag magmadali.

SCORPIO THE MOTIVATOR

(October 23 – November 21 Kung ano ang tila kaguluhan ngayon ay maaring maging maganda sa susunod na linggo kaya pataasin ang iyong tiwala sa sarili. Walang bagay tulad ng swerte o malas. Ang swerte na kanilang sinasabi ay ang ginagawa mo para sa iyong sarili.

Maging confident at magtiwala sa sarili

SAGITTARIUS THE SPIRIT

(November 22 – December 21)

Maari mong gustuhin na ipasawalang bahala kung ano ang sinasabi ng loob mo sa paggawa ng mga bagay bagay ngunit pagsisisihan m ito. Subukan gumawa ng mga bagay na alam mong kakayanin mo at makakabuti sayo.

Gawin ang alam mong dapat gawin ng walang pangamba.

Join us on Facebook

CAPRICORN THE BRAIN

(December 22 – January 19)  Hindi dahil ikaw ay naiinip sa buhay ngayon ay hindi nangangahulugan na gagawa ka ng bagay na hindi ligtas. Hindi lang ka lang mapapahamak at pag-aalalahanin mo pa ang mga nagmamahal sayo kaya gumawa ng bagay na alam mong mas makakabuti.

Maging maingat sa lahat ng oras

AQUARIUS THE SEEKER

(January 20 – February 18)  Kung hindi ka magiging maingat ngayong araw ay maari mong masira ang iyong reputasyon.hindi mo kailangan sumunod sa kanila.

Mag-ingat sa mga tao sa iyong paligid

PISCES THE TRAVELER

(February 19 – March 20)  Huwag mong abusuhin ang mga bagay bagay . Binabalaan ka ngayon na mag focus dahil para bang naiiba na ang iyong kinikilos at nadidistract ka na.

Magfucos sa mas mahahalagang bagay

Join us on Facebook

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here