PAANO ALISIN ANG STRETCH MARKS

1. ALOE VERA

Ang aloe vera ay isang halaman na nakatutulong upang maibalik ang tisyu ng balat at mayroon itong mapaghimalang nakagagaling ng mga katangian ng isang balat. Kunin ang sariwang gel mula sa dahon at imasahe ito sa mga parte na mayroong stretch mark at iwanan ito ng 20-30 minutes. Gawin mo ito araw-araw at banlawan mo ito gamit ang maligamgam na tubig.

2. COCOA BUTTER

Ginagamit ang cocoa butter para makatulong mabawasan ang strech mark at sa mga nakita ko kapag ginamit mo ito habbang ikaw ay buntis at pagkatapos manganak nagagawa nitong maalis ang iyong stretch mark ng tuluyan. Ang pinaka-magandang oras gamitin ang cocoa butter ay tuwing gabi, kaya naman ay i-masahe mo ito ng mabuti sa iyong balat at sa paglipas ng panahon mapapansin mo na nababawasan ang stretch mark mo at nawawala-wala na.

3. PIPINO AT LEMON JUICE

Ang natural na acidity ng lemon juice ay nakatutulong upang mapagaling at mabawasan ang peklat at ang juice naman ng pipino ay nagbibigay ng ginhawa upang maging sariwa ang ating balat. Paghaluin mo ang juice ng lime at pipino, ilagay mo ito sa lugar na naapektuhan at hayaang ibabad ito sa balat. Hayaan mo lang ito sa iyong balat ng mga 10 minutes at pagkatapos ay puwede mo na itong banlawan ng maligamgam na tubig.

4. ALMOND AND COCONUT OIL

Gamitin mo ito ng pantay ang dami upang mabawasan ang stretch mark. Regular na imasahe ito sa iyong balat. Ang remedyo na ito sa bahay ay talaga nga namang natural, ibig sabihin wala itong masamang side-effects. Sunduin mo lang ang remedyo na ito at tignan kung ano ang magiging epekto nito sayo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here