1.NAPAKA SIKSIK NITO SA NUTRISYON AT NAPAKA KAUNTI NG KALORIYA
Ang chia seeds ay nagmula sa isang halamang tinatawag na salvia hispanica.
Isa ito sa pinakamalaking pinagkukunan ng mga ibat ibang nutrisyon na kailangan ng ating katawan sa pagkunso lamang ng kakaunti nito. Organic rin ito at wal itong gluten.
2. NAKAKATULONG SA PAGPAPAPAYAT
Pinaniniwalaan ng mga experto na ang chia seeds ay makatutulong sa pagbabawas ng iyong timbang. Ang soluble fiber na taglay nito ay nakakabsorb ng tubig at lumalaki ito sa ating tyan na nagiging dahilan upang mas makaramdam ito ng kabusugan.
Nakatutulong rin ito upang mabawasan natin ang ating kinakain at matagal na makaramdam ng kabusugan.
3. NAKAKABAWAS NG PAGKATAKAM SA PAGKAIN
Ang mga buto ng chia ay napakabisa, maaari itong makatulong sa iyo na pigilan ang iyong mga pagkagusto sa pagkain. Ito rin ay mabisang sangkap para sa mga taong nagnanais na mgbawas ng timbang at nagnanais na mabuhay ng malusog at masigla.
4. MAGANDA ITO PARA SA PUSO
Mayroon itong magandang epekto sa puso dahil sa nilalaman nito ng Omega 3. Ang mga fatty acids ay mabuti para sa puso at nakakapagpababa ng iyong kolesterol. Kung natatakot ka na mayroon kang masyadong taba sa iyong diyeta, maaari itong maging daan upang maging balanse ang taba na nasa iyong katawan sa pamamagitan ng mga good fats na nasa chia seeds.
5. TUMUTULONG UPANG TUNAWIN ANG IYONG KINAIN
Ang isa sa mga pinakamahusay na benepisyo ng kalusugan ng chia seed na maaaring mapahalagahan ng sinuman ay ang kakayahang tumulong sa iyong panunaw. Hindi mo kailangang mag-alala tungkol sa hindi maayos na pagdumi dahil sa kakulangan mo ng mga fibers mula sa iyong kinakain sapagkat ang mga buto ng Chia ay iyong kasagutan dito.