PAANO MATIGILAN ANG PAGIGING ADIK SA SELPON

Kung nakikita mo ang sarili mo na patuloy sa pag te-text, pag surf sa internet, pag-send ng email, pag gamit ng mga application, at paglalaro. Dipende kung gaano katagal ka gumagamit ng selpon, maaari kang magkaroon ng problema sa sobrang  paggamit ng selpon. Ang sobrang paggamit ng selpon ay nakakabawas ng oras para sa pang personal na relasyon at hindi kana masyadong nagiging produktibo sa pang araw-araw na buhay.

1. I-MONITOR MO ANG PAGGAMIT NG SELPON

Ayon sa pag-aaral, ang mga college students ay naglalaan ng 8-10 oras sa paggamit ng kanilang selpon. Kung alam mo na naaadik kana sa paggamit ng selpon maaari kang mag umpisa sa pag kilala ng mga layunin at ang mga posibleng solusyon.

               ~Mag download ng app sa selpon na pinapakita ang oras ng paggamit ng selpon tulad ng Checky, App Off Timer, o Qualitytime. Maaari mo itong gamitin upang maitakda ang oras ng paggamit mo ng selpon sa loob ng isang araw o kada oras.

2. MAGSAGAWA NG PLANO SA PAGGAMIT NG SELPON

Limitahan mo ang paggamit ng selpon sa tiyak na oras sa isang araw. Puwede kang mag set ng alarm sa iyong selpon para alerto ka kapag naabot mo na ang maximum na oras ng iyong paggamit ng selpon. Halimbawa, papayagan mo lang ang iyong sarili na gumamit ng selpon tuwing 6pm-7pm. Puwede ka rin mag set ng oras na hindi mo paggamit ng selpon lalo na kapag nasa trabaho ka o nasa bahay dipende nalang kung kailangan talaga.

               ~Magsulat ka ng plano at goal para maging konkreto ito. Isulat mo ang mga nagawa mong goal at yung mga trinatrabaho mo palang.

3. BIGYAN MO ANG SARILI MO NG PREMYO SA HINDI MADALAS NA PAG-GAMIT NG SELPON

Ang konseptong ito ay tinatawag na “positive self-reinforcement” at ginagamit ito sa mga therapy upang maturuan ang isang indibidwal na magkaroon ng positibong pag-uugali sa pamamagitan ng pagbibigay ng reward sa kanyang sarili. Halimbawa, nagawa mong matiis na hindi masyado paggamit ng selpon, pwede mong bigyan ang sarili mo ng reward sa pag bili mo ng paborito mong pagkain, bagong gamit, o kaya activity.

4. MAG-UMPISA NG MABAGAL

Imbes na hindi ka na talaga magselpon at tigilan ang paggamit nito ( na sobrang hirap at nakakatuksong gawin), magsimula ka sa pag bawas ng oras ng paggamit o pag checheck sa iyong selpon. Halimbawa, umpisahan sa pag limita ng pag check sa selpon isang beses sa 30 minutes, tapos isang beses sa 2 oras, at ituloy tuloy mo lang.

               ~Mag tally kung ilan beses mo ba chine-check ang iyong selpon sa isang oras.

               ~Gamitin mo lamang ang iyong selpon kung importante ang gagawin.

5. ILAYO MO ANG IYONG SELPON

Ilagay mo ang iyong selpon sa hindi mo makikita. I-silent mode mo ang iyong selpon kapag nasa trabaho, nag-aaral o kahit saan, upang hindi ka ma distract dito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here