MGA DAPAT TANDAAN BAGO MAGKULAY O MAG BLEACH NG IYONG BUHOK

Madalas nakakaramdam ang mga babae na kailangan nilang mag makeover. Naghahanap sila ng pagbabago na kadalasan nagsisimua sa kanilang buhok. Ngunit ang maitim na buhok ay maaaring magbunga ng limitasyon kung ang isang tao ay ninanais na mag eksperemento ng iba’t-ibang kulay ng buhok. Pero hindi ibig sabihin neto na hindi kana puwedeng mag eksperimento. Ang pag be-bleach ng buhok ay maaaring makatulong. Sa post na ito, tatalakayin natin kung papaano ang tamang pag be-bleach ng buhok sa bahay.

1. MAS MAGANDANG IBLEACH ANG BIRHEN NA BUHOK

Ang buhok ay nasisira dahil sa mga chemical. Ang pag be-bleach ng buhok ay maaaring humantong sa mas madaming damage, dahil nagbubunga ito upang mas maabsorb ng ating buhok ang bleach. Huwag mo munang ibleach muli ang iyong buhok at mag antay muna ng tatlong buwan bago ito gawin muli. Ang bleach ay mas magandang gawin sa mga birhen na buhok o yung hindi pa nagagalaw. Ang iyong ay mas madaling masira kapag prinoseso mo agad ito.

2. TUMIGIL MUNA SA PAG GAMIT NG INIT SA IYONG BUHOK    

Tigilan mo muna ang paggamit ng init sa iyong buhok at iwasan rin ang paggamit ng conditioner o shampoo na may roong sulfates o alcohol.

3. GUMAMIT NG CONDITIONER

Kailangan mong gumamit ng conditioner. Mas maganda itong gawin dalawang linggo bago ang pagkukulay ng iyong buhok.

Maari kang gumamit ng conditioning mask at maari mo rin itong gawin sa pamamagitan ng mga ingredient gaya ng abokado, saging, coconut oil at itlog maaring manood ng mga videos kung paano ito gawin.

4. GUMAMIT NG COCONUT OIL

Ang pagbababad ng iyong buhok sa coconut oil isang gabi bago ka magkulay ng iyong buhok ay tutulong upang maprotektahan mo ang iyong buhok at tutulong rin ito upang hindi mawala ang moisture sa iyong buhok. Makakatupong ito ngunit hindi makakaapekto sa proseso ng pagbebleach.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here