Tips Para Always Happy ang Mag-asawa

A shot of a beautiful young couple sitting on the porch of their house

Sa mag-asawa, may mga dapat batas ding sundin. At kapag ito ay hindi mo sinunod, baka hindi kayo magkaroon ng forever. Kaya, huwag na huwag kang magpapalusot at kung minsan, ang sorry ay nakakasawang pakinggan kung paulit-ulit na ginagawa. O, tandaan mo itong Tips Para Always Happy ang Mag-asawa

  1. Panatilihin ang love –   hindi maaaring sa simula lang ang pagmamahalan, dapat ang pag-iibigan ninyo ay mas yumabong pa sa mga susunod na taon. Kailangan kasi, magkahawak-kamay ninyong haharapin ang lahat ng problema. At kapag nalampasan ninyo ang lahat ng problema ay mapagtatanto ninyo kayang-kaya na ninyo ang mabibigat pang suliranin.
  1. Magtiwala palagi – Kung mahal mo ang iyong partner, magtitiwala ka sa kanya na kahit nasa malayo ka ay wala siyang hahanap-hanapin kundi ikaw. Huwag na huwag mo siyang pagdududahan kung wala ka namang dapat na ipagduda. Sa kabilang banda, hindi mo rin dapat sisirain ang pagtitiwala niya sa’yo.
  1. Respetuhin mo siya palagi – Huwag mo hahayaan ang iyong sarili na kontrahin ang kanyang mga paniniwala. At kahit na mayroon siyang pagkukulang, huwag na huwag mo siyang awayin lalo na ang murahin siya.
  1. Bonding time – kahit na may anak o mga anak na kayo, makabubuti pa rin iyong may oras kayo sa isa’t isa.  Huwag din ninyo kalimutan ang magkuwentuhan at magsabi ng kung anuman ang nasasaloob mo. Alalahanin ninyo, walang ibang magkakampihan kundi kayong dalawa.

Tandaan ito palagi, ha.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here