Gaano Ka-Importante ang Compromise sa Relationship?

Ang goal ng kahit sinong gustong makapasok sa relasyon ay magkaroon ng special someone na makakakumpleto sa kanila; isang taong makaka-jive sa personality at character nila at magkakaroon ng perfect harmony pag sila ay magkasama. Pero posible nga ba talaga ito sa lahat ng tao?

Kung mapunta ka sa isang relasyon na magkaiba ang inyong personalities, madalas ay maraming pagtatalo dahil sa pagkaka-iba sa inyong mga pananaw. Pero kung mahal ninyo talaga ang isa’t isa, hindi magiging mahirap ang lahat. Importante ang compromise sa relasyon ninyo dahil ito ang magpapatibay sa inyo kahit marami kayong differences. Basahin ang article na ito para makita kung gaano kaimportante ang compromise sa isang relasyon.

1. Matututo kayong dalawa sa salitang pasensya; kung sino ang mas mapagbigay, sila ang mas natututo

Sa isang relasyon na maraming pagkaka-iba iba, mahirap ang compromise, pero if you really try hard enough, mas matututo kayo eventually. Mas makikita ninyo how wonderful it is to sacrifice and be patient for the one you love. No matter how hard life is, as long as you have each other despite your differences, everything will work out perfectly. May mga couples na hindi handang isakripisyo ang pride nila, kahit mahal na nila yung tao. Often times, sila yung nag-eend up sa isang disastrous relationship dahil wala nang gustong magbigay at mag-compromise. If you find yourself in a difficult situation with your partner about compromising, always remember the learnings you’ll get if you give up your pride once and for all.

2. Hindi na kayo magiging madamot dahil iniisip ninyo na ang kapakanan ng bawat isa

Loving is not only about receiving, but also giving. The more you give, the more it is that you love your partner. Compromise is not just simply giving, but it is doing beyond what you have for your self. Magandang bagay na matutunan mo ang compromise, dahil sa mundong ibabaw na kinatatayuan mo, marami ang iniisip lamang ang sarili nila, at napaka gandang gesture na maging selfless ka at magmahal unconditionally, the same way kung paano ka minahal ng Panginoon.

3. May goals na kayo sa relasyon ninyo

Kapag natututo na kayong magcompromise, ibig sabihin ay hindi na ninyo iniisip yung maliliit na bagay na pinag-aawayan ninyo noon. Ngayon, mas focused na kayo sa goals ninyo at hindi na ninyo iniisip masyado yung mga negatibong emosyon na makakasira sa relasyon ninyo. Binibigyang halaga ninyo na rin kasi ang mga plano ninyo together in the future, at nakakatuwa ito. May mga tao kasi na hindi rin alam ang kanilang mga plano with their partners, kaya nag-eend up na magulo sila lagi at hindi nagkakasundo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here