PAANO MAGING MABUTING INA

1. ANG LAHAT NG MAKAKAYA MO AY SAPAT NA

Lahat tayo ay sinusubakan ang lahat ng makakaya natin, pero ang problema ay nag uumpisa kapag nararamdaman natin na ang best natin ay hindi pa sapat. Kahit ano pa ang ginagawa natin, nararamdaman natin na ang ating effort ay kulang, pero isipin mo muna kung paano ito nakikita ng anak natin, lalong-lalo na kung sila ay bata pa. Iniisip mo ba na nakikita ka nila na wala kang pera para bilhin ang mga gusto nila? Hindi, sa halip maaalala nila ang mga masasayang bagay na ginagawa niyo. Hindi maaalala ng mga bata ang mga bagay na mayroon sila, pero maaalala nila ang mga bagay na ginawa niyo ng magkakasama.

2. ALAGAAN MONG MABUTI ANG IYONG SARILI PARA MAGAWA MO ANG IYONG BEST

Ang pag-aalaga sa sarili ang isang importanteng parte bilang magulang. Ang magulang na hindi inaalagan ang sarili ay hindi kayang alagaan ang kanyang mga anak. Halimbawa, ang nanay na nagkaroon ng malubhang sakit at hindi naglaan ng oras para mag punta sa doctor maaaring maging sobrang hina na hindi na kayang bigyan ng pagkain ang kanyang anak. Sa ibang parte, kung ikaw ay nagpunta agad ss doctor at nabigyan ka ng mga gamot, ang sakit ay maaaring hindi na lumala at maaaring mawala rin sa mga susunod na araw.

3. MAS KAUNTI MAS MADAMI

Ang mga bata ay na eenjoy ang mga maliit na bagay sa buhay. Ang mga bata ay maaaring hindi na nila maalala kung gaano katagal bago mo siya bigyan ng perfect party. Hindi na nila maaalala kung gaano kadami ang handa niya. Pero maaalala nila yung special na regalo mo sa kanya o yung simpleng date mo sa kanya nung araw na yon. Ang focus ng isang bata ay nasa maraming bagay ng sabay-sabay, pero yung isang moment na pinaramdam mo sa kanya ay nangingibabaw sa memorya ng isang bata.

4. ANG PAKIKIPAG-USAP AY ANG SUSI PARA MAGING ISANG MABUTING INA

Ang pagkikipag komunikasyon ay ang susi kung sinusubukan natin malaman kung pano maging mabuting ina. Ang pakikipag usap ay hindi lang kung gaano kadami ang nasasabi ng anak mo sayo, kundi, kung ano ang nilalaman nito. Nasasabi nila dito kung saan bagay sila interesado. Maglaan ka ng oras para makinig ng mga music na pinapakinggan ng anak mo o sabayan mo siya sa mga nilalaro niya. Kapag nalaman mo na kung saan siya interesado ay madali mo nalang siyang makakausap at magiging sobrang lapit ng loob niyo sa isa’t isa.

Maraming salamat sa inyong pagbabasa at sana ay nakatulong ito sa inyo.                                                     

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here