Ang Filipina Horoscope, Hunyo 15, 2020

Wag lamang po horoscope ang visitahin, manatili sandali at mag enjoy sa ating Filipina articles tulad Pampaganda, Health, Relationships, Diet, Sex, at marami pang iba. At mayroon din tayong Forum kung saan maaari kang makapag post ng mga anonymous topics at maari din tayong mag pahula at malaman ang kahulugan ng ating mga panaginip. Have Fun!!

ARIES THE DREAMER

(March 21 – April 19)  Bago ka magdesisyon at magplano ng wala sa wisyo, isaayos mo muna ang iyong isipan. Sapamamagitan ng mars ay tutulungan ka nito upang mas maging mapagisip at maging malikhain. Sa pamamagitan ng pagiimahe ng iyong pangarap kahit sa simpleng detalye nito, ay gagawa ito ng paraan upang maipamalas mo ito eksakto sa iniisip mo.

Gawin mo lamang ang mga naiisip na alam mong tugma

TAURUS THE ARTIST

(April 20 – May 20)  Ang iyong kagustuhan upang ituloy ang isang ninanais mong pangarap ay lumalaki. Habang itinatago mo ang iyong mga totong nais ay mas lalo ka lamang malulungkot. Tigilan mo ang pagiisip na kailangan mong maging praktikal kahit gaano mo pa kahirap kailangan mong sumugal at mararating mo ang tagumpay sa pamamagitan ng pagsunod sa iyong puso at kung ano ba ang totong gusto mo ang isang bagay na maeenjoy mo.

Wag hayaan na maging malungkot dahil lamang sa kahinaaan ng loob

GEMINI THE DIPLOMAT

(May 21 – June 20)  Ang isang napakagandang opurtunidad ang papunta sa iyo. Ang magandang trabaho ay tutulong sa iyo upang mas umangat at mas magkaroon ng kakayahan. Ngunit maaring kailangan mong lumipat o ibahin ang ibang nakasanayan mo. Huwag kang magalala dahil magiging masaya ka naman sa trabahong ito at mapapaligiran ka ng napaka sasaya at napakabuting mga tao na tutulong sa iyo upang mas maging kumportable at matagumpay ka.

Wag matakot na sumabak sa ibang trabaho lalot alam mong kaya mo.

CANCER THE EMPATH

(June 21 – July 22)  Ang iyong kaalaman ang tutulong sa iyo ngayong araw. Kapag ang isang tao ay nag bigay ng kanilang kaalaman o ideya ay mas makakahanap ka ng paraan upang mas mapaganda ito. Nirerespeto ka ng lahat dahil sa iyong kasanayan at maari mo rin itong gawing opurtunidad upang makapagturo. Ang trabahong ito ay tutulong sa iyo upang mas mapaganda ang iyong pinansyal na istado.

Pag – aralan mo itong mabuti upang mas higit kang uunlad

LEO THE BOSS

(July 23 – August 22)  Maaring maging swerte ka pagdating sa pinansyal ngayon. Gawin mo itong opurtunidad upang makabili ng mga magagandang damit, o mga bagay na ninanais mo. Sa pamamagitan ng pagbibigay dito sa iyong sarili ay tumutulong ito upang mas maging masaya ka at mas magpursigi.

Gawin mo itong inspirasyon

VIRGO THE GIVER

(August 23 – September 22) Ang paglalagay ng paburito mong tao bilang prayoridad ay natural sayo ito.kahit pa kilala ka bilang isang kritikal na tao minsan ay mapagmahal ka sa iyong mga napapaligiran. Huwag ka ng magalala sa mga taong malalapit sa iyo dahil kaya na nila ang kanilang sarili at dahil ito sa iyo. Ang isa sa iyong mga kagalingan ay kailangang bigyan ng selebrasyon.

Magparty ka kasama ang malalpit na kaibigan at mahal sa buhay

Join us on Facebook

LIBRA THE LEADER

(September 23 – October 22)  Ang pagbuo ng buhay kasama ang harmony at pleasure ay ang prayoridad mo, ang importantanteng parte dito ay paghahanap ng trabaho na mas nararamdaman mong nagsasaya ka kaysa nagtatrabaho ka. Kahit na ang mga mahal mo sa buhay ay nag-aalinlangan tungkol sa iyong abilidad upang kumita ng pera sa art, wala silang pananaw na katulad ng sa iyo. Gawin mo kung ano ang nais ng iyong puso at gawin ito ng may tiwala sa sarili.

Alam mo kung ano ang kaya mo at tiyak na magagawa mo ito

SCORPIO THE MOTIVATOR

(October 23 – November 21)  Madaming tao ang takot kumuha ng tyansa ngunit hindi ka isa sa kanila. Ang pamumuhay na tila ba walang bukas ay lagi mong ginagawa. Kung ito ay nangangahulugan na hindi ka matatanggap o kaya naman ikaw ay mapapahiya, gawin mo ito. Ang mga tao ay hinahangaan ang iyong pagiging matapang. Gawin mo ang dapat mong gawin kahit na ayaw ng ibang tao dito. Buhay mo ito at hindi sa kanila.

Ipakita mo kung ano at sino at higit sa lahat kung ano ang iyong kakayahan

SAGITTARIUS THE SPIRIT

(November 22 – December 21)

Makinig sa iyong puso pagdating sa problema sa pamilya. Habang ang malambot na puso na kagaya mo ay hindi naiintindihan ang selos, ang inggit ng mahal sa buhay ay maaring magpa-isip sa iyo. Iniisip mo na dahil kayo ay mag kamag-anak, nais nila ang mabuti para sa iyong puso, ngunit hindi palaging ganoon.ang importante ay ayusin kung ano ang problema ngayon at gawin kung ano ang sa tingin mo ay tama.

Ipakita mo lamang lagi sa kanila na palagi nasa kanilang tabi

Join us on Facebook

CAPRICORN THE BRAIN

(December 22 – January 19)  Ang pagkuha ng bagong kaalaman ay hindi lamang nakakatuwa ngunit nakakalakas din. Habang ang Mars at Neptune ay nagtagpo sa iyong 3rd House of Information, ang iyong isip ay naghahangad sa stimulation. Kahit na ikaw ay pumasok sa online class o kaya magbasa ng mga subject na pinagkaka-interesan mo, ang mga natutunan mo ay bibigyan ka ng tulong sa susunod na araw, buwan o taon kahit hindi mo ito inaasahan.

Dito ay mas mapaghusay mo ang iyong angking galing

AQUARIUS THE SEEKER

(January 20 – February 18)  Ang bagong trabaho o bagong pagkakakitaan ng pera ay opurtunidad na magandang ituloy ngayon. Wag mag-alala kung madaming karibal sa posisyon na nais mo habang ang determinadong Mars ay pinapalakas ang iyong 2nd Housqe of Income, ang iyong mga tyansa para sa trabaho ay napakalakas. Gawin mo ang iyong makakaya upang makuha ang posisyon na walang tinatapakang tao.

Kayang kaya mo ito dahil likas kang matalino

PISCES THE TRAVELER

(February 19 – March 20)  Ang paglalagay ng iyong magandang talento ay magiging maganda sa ngayon. Kahit na magaling ka sa pagpipinta, pagsulat ng kanta, o kaya pelikula, masisiyahan ka sa pagbabahagi ng talento mo. Sa pagpasok sa isang contest o kaya Ipakita online ang iyong talento, makikita ng mundo at tatangkilikin ang iyong ginagawa. Maaring madami ding tao ang kausapin ka para bilhin ang ilan sa iyong mga gawa. Kaya magtiwala sa iyong sarili at gawin kung ano ang nakakapagpasaya sayo.

Maaring ito ang daan upang mas makilala ka

Join us on Facebook

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here