Ang Filipina Horoscope, Hunyo 14, 2020

Wag lamang po horoscope ang visitahin, manatili sandali at mag enjoy sa ating Filipina articles tulad Pampaganda, Health, Relationships, Diet, Sex, at marami pang iba. At mayroon din tayong Forum kung saan maaari kang makapag post ng mga anonymous topics at maari din tayong mag pahula at malaman ang kahulugan ng ating mga panaginip. Have Fun!!

ARIES THE DREAMER

(March 21 – April 19)  Kailangan mong balikan ang isang bagay na hindi mo tinapos. Humanap ka ng isang bagay na makakatulong sa iyo upang maibalik ang inspirasyon mo sa bagay na ito. At tapusin mo ito.

Maaring isang mahal sa buhay o ang iyong iniibig ang makapagbibigay sayo ng inspirasyon

TAURUS THE ARTIST

(April 20 – May 20)  Maaring isa ito sa mga weekenda na kahit gaano pa subukan ng mga tao na isama ka sa kanilang gagawin ay hindi ka sasama. Minsan kasi ay nais mo lamang mapagisa at magisip.

Bigyan mo ng oras ang sarili na buminga

GEMINI THE DIPLOMAT

(May 21 – June 20)  Kahit gaano pa kadami ang mga taong nagsasabi na kailangan mong ipaliwanag sa kanila ang ginagawa mo ay maari mo silang hayaan nalamang. Walang taong maykarapatan makaalam ng ginagawa mo bukod sa iyo.

Basta alam mong tama ang iyong mga ginagawa

CANCER THE EMPATH

(June 21 – July 22)  Alam ng neptune kung ano ang dapat gawin upang maghatid sa ito ng tagumpay na inaasamasam mo. Kaya naman ipag patuloy mo lamang ang pagsisikap na ginagawa mo upang maabot ito.

Ang pagsisikap na may kasama pagdadasal sa poong may kapal

LEO THE BOSS

(July 23 – August 22)  Dapat na harapin mo ang sitwasyon na sumusubok sa lakas ng iyong loob. Dapat mong malaman ngayon na ang pagtakbo sa problema ay hindi ang sagot dito, kaya hanapin muli ang iyong lion heart at mag roar muli.

Maging matatag at harapin ito ng puno ng determinasyon

VIRGO THE GIVER

(August 23 – September 22) Kung ikaw ay tumawag sa isang tao na hindi mo masyadong nakasalamuha ay mabibigla ka na nagkakapareho pala kayo sa maraming bagay. Hindi niyo man ganun kagusto ang isat isa noon, hindi dapat kayo maging magkaaway.

Subukan kilalanin ang isat-isa

Join us on Facebook

LIBRA THE LEADER

(September 23 – October 22)  Kaya mo, kung gugustuhin mo, subukan na sumubok sa isang mahirap na gawain para sa iyong sarili, ngunit hindi ba mas mabuti kung humingi ka ng kaunting tulong? Kahit na nais mo na ipakita na kaya mo ito ng walang kasama, ngunit bakit ka maguguluhan kung ibinibigay na ito ng mundo sa iyo?

Mas mapapadali ang isang bagay kung kayo ay magtulong-tulong

SCORPIO THE MOTIVATOR

(October 23 – November 21)  Tila tinutulak mo ang iyong sarili  masyado, at ang magandang balita ay marami kang nakamit. Ngunit ibinigay mo ang lahat ng iyong physical at mental energy kaya bigyan mo ng oras ang iyong sarili upang makapagpahinga.

Mag relax at bigyang kasiyahan ang iyong sarili

SAGITTARIUS THE SPIRIT

(November 22 – December 21)

Tanungin ang iyong sarili kung anong pagbabago ang nais mo sa iyong buhay, at tanungin ang mahal mo sa buhay kung ano ang pagbabago na nais nila na makita sayo. Ang mga lugar kung saan parehas kayo pumayag ay ang mga lugar na dapat pagtrabahuhan at hindi mo kailangan magtrabaho dito mag-isa.

Humanap ng makakatuwang maaring mong hingin anv tulong ng iyong asawa

Join us on Facebook

CAPRICORN THE BRAIN

(December 22 – January 19)  Ang isang tao ay susubukin ang iyong pasensya ngayon at tatawagin mo ang lahat ng kapangyarihan ng pagtitimpi upang pigilang magalit. Maging kalmado at tanungin ang kanilang problema at solusyonan nang maayos.

Lahat ng problema at hindi pagkakaunawaan ay masosolosyonan sa magandang paraan

AQUARIUS THE SEEKER

(January 20 – February 18)  Ang maririnig mo ngayon at bukas ay maaring nakakabahala ngunit huwag mo itong masyadong seryosohin. Ayon sa mga planeta mayroong taong nagsasabi ng mga bagay sa mas nakakatakot na paraan ngunit hindi ka naman mahuhulog dito hindi ba?.

PISCES THE TRAVELER

(February 19 – March 20)  Maaring kailangan mong bigyan ang iyong sarili ng mas maraming oras upang tapusin ang itong ginagawa . Ang oras na binibigay mo kasi ay kulang at hindi makatotohanan upang makuha ang resultang inaasahan mo.

Dagdagan ang iyong pagsisikap upang pangarap mo ay makamit

Join us on Facebook

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here