PAANO MAGING ISANG MABUTING ANAK

Upang maging mabuting anak kailangan mong ipakita ang iyong suporta sa iyong mga magulang. Kung ikaw man ay bumabawi sa kanila o ano pa man ay isa sa pinaka magandang paraan upang maging mabuting anak ay respetuhin sila at alalayan.

1.  TUMULONG KA SA INYONG BAHAY   Ang simpleng pagtulong sa gawaing bahay ay malaking bagay na para sa inyong magulang. Bilang mabubuting anak, tayo ay inaasahan ng ating mga magulang para gawin ang kanilang inutos. Hindi dahil gusto ka nilang pahirapan, kundi kailangan nila ng tulong. Marami sa atin ay ang mga magulang ay matanda na. Madalas hindi na nila kaya ang lahat ng mga gawain kaya para maging mabuting anak ay kailangan natin silang tulungan.

2. ALAGAAN MO ANG IYONG MGA MAGULANG.   Bilang isang anak, may responsibilidad rin tayo para alagaan sila. Tuwing may sakit sila, ikaw muna maglinis, magluto, mag saing at marami pang iba. Kahit isang simpleng halik lang sa noo, isang malaking tulong na sa iyong nanay at tatay iyon para gumaan ang kanilang pakiramdam. Bumalik ulit tayo sa pagmamahal.

3. MAHALIN MO ANG IYONG MGA MAGULANG   Hindi sapat na sinasabi mo ito dapat ay pinapadama mo rin sa kanila kung gaano mo sila kamahal at kaimportante sa iyo. Maraming kabataan ang nagsasabing hindi na daw nila mahal ang kanilang mga magulang dahil halimbawa ay sobra itong strikto o ano pa man ngunit kahit sa ano mang rason, hindi ka dapat mawalan ng dahilan para mahalin ang magulang mo. Sila ang nagbigay buhay sa inyo, pinakain, binigyan ng tirahan, at binigyan ng pagmamahal. Sa lahat ng mga sinakripisyo nila, kahit simpleng pagmamahal lang ay sapat na kabayaran para sa kanila.

4. HUWAG MAWAWALAN NG RESPETO SA KANILA   Ito ang pinaka masakit para sa mga magulang ang mawalan ng respeto sa kanila ang kanilang anak. Kung maynasabi man saiyo ang iyong ina ay subukan mong huwag itong intindihin masyado at isipin kapag tapos na ang kanilang galit saka mo sila kausapin ng malambing na nasaktan nila ang iyong damdamin. Kung sila ay galit huwag kang sasagot mag antay ka muna na humupa ang kanilang galit bago ka magpaliwanag ng maayos.

5. MAGSUMIKAP KA   Ito ang pinaka magandang regalong maibibigay mo sa iyong magulang ang iyong tagumpay. Ang anak kasi ay pride ng magulang at karaniwan itong sumasalamin sa kanila, matuto kang magpasalamat sa kanila at gawin ang lahat para sa iyong sarili at pamilya.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here