PAANO PALIITIN ANG BRASO NG MABILIS

women show fat wrinkle of armpit isolate background

Isa sa problema nating mga babae kapag tayo ay nagdadagdag ng timbang ay ang laki ng ating braso at para sa atin ay hindi ito magandang tignan. Hindi naman ito masama at nasasaiyo kung paano mo ito dadalhin ngunit wala rin naman masama sa pagnanais mas pagandahin ang ating sarili kung para ito sa ikaka taas ng tiwala natin sa ating sarili. Narito kung paano

1. KUMAIN NG MASUSTANSYANG PAGKAIN   Kung maaari, mas maraming prutas at gulay ang kainin araw-araw. Higit sa lahat, iwasan ang matatamis gaya ng tsokolate, ice cream at candiy. Ang mga ito ay mabilis makapagpalaki ng braso. Siguraduhin ding kumonsumo ng tamang bitamina. Ang fish oil ay pinanggagalingan ng protinang kailangan ng katawan para buwagin ang pagbuo ng mga taba sa katawan. Nakapagpapalusog naman ng mga buto at muscles ang Calcium. Uminom ka ng gatas o bitaminang mayaman sa calcium at makatutulong ito sa muscles mo. Pag healthy ang muscles, madaling mapapapayat ang braso.

2. IEHERSISYO ANG BRASO    Ang pagdapa at paglagay ng braso sa magkabilang side ay epektibo ring pampapayat ng braso. Ang tawag dito ay Plane Stretch. Ulitin nang 10 beses at tiyak na mababanat ang mga balat ng braso at papayat agad ito. Kung may dumbbell na, hawakan ito at gamit ang magkabilang kamay. Tumayo ng tuwid at iangat ang mga braso papunta sa harap. Gawin ito ng tuwid at diretso. Matapos ang 2 segundo, ibaba ang mga kamay. Ulitin ito ng 15 beses para sa mas mabisang resulta.

3. PATALBOGTALBUGIN ANG BOLA   Ang paulit ulit na paggalaw sa ehersisyong ito ay magbibigay saiyo ng mga benepisyo ng hardcore exercise na hindi ka masyadong nahihirapan. Ito ay magdudulot ng pagod sa mga braso mo at cardio workout na rin para sa katawan. Mas makabubuti ang paggamit ng medicine ball o slam ball.

4. MAGING DISIPLINADO     Kailangan palaging magkasama ang tamang diet at wastong exercise sa anumang physical goals katulad ng pagpaliit ng braso. Magkaroon ng disiplina sa sarili at huwag kaagad panghinaan ng loob kapag walang magandang agarang resulta. Ang pagbabago sa katawan lalo na sa braso ay hindi madali, nangangailangan ito ng panahon at extra effort. Kailangan mo lamang ng positive mindset na kung kaya ng iba, ay kaya mo rin.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here