MGA BENEPISYO NG MARULA OIL

Ang Marula Oil ay isang African beauty secret. Ginagamit ito ng mga kababaihan sa Africa bilang skin care product para ma-maintain ang glowing at youthful skin. Ine-extract ang precious oil mula sa nuts na matatagpuan sa loob ng sweet marula fruits. Ang mga puno ng Marula ay matatagpuan sa Botswana, Mozambique, Namibia, South Africa, Swaziland at Zimbabwe.

ANTI AGING SECRET

Sinasabing mas mayaman pa sa antioxidants ang Marula Oil kaysa Argan Oil na rare natural beauty product na minamahal dahil sa anti-aging properties nito. Gamitin ang Marula Oil kapalit ng iyong cream sa gabi. Safe itong gamitin kahit ng may oily o acne-prone skin.

INCREASES COLLAGEN PRODUCTION

Ang Marula Oil ay mayroong 8 times more Vitamin C kaysa oranges. Dahil sa mataas na level ng antioxidants at Vitamin C content, nabo-boost ng Marula Oil ang collagen production. Ang collagen ay protein structure na ibina-bind ang ating balat, buto at buong katawan. Kailangan ang collagen para sa makinis, malambot at batang balat. Habang nagkakaedad, nababawasan ang collagen natin sa katawan na nagiging dahilan ng sagging skin. Kaya regular na gamitin ang Marula Oil para makatulong iyon sa collagen production ng balat.

FIGHTS ACNE, BLEMISHES, SCARS AT STRETCHMARKS

Dahil sa hydrating at antimicrobial properties nito, ang paga-apply ng Marula Oil sa problem areas ay nakakatulong sa pagpapaliit ng size at appearance ng acne, blemishes, scars at stretchmarks.

BABY OIL

Dahil sa pagiging gentle ng Marula Oil, ginagamit ito ng Namibian women bilang pang-masahe sa kanilang mga babies para mapanatiling moisturized at healthy ang skin ng mga ito. Kaya palitan na ang store-bought baby oil na mayroon pa ring chemical content at palitan ito ng purong Marula Oil.

MASSAGE OIL FOR ADULTS

Dahil sa silky consistency nito, ideal itong gamitin bilang massage oil. Nakakatulong din ito sa pagmo-moisturize ng dry na balat.

Para gumawa ng therapeutic massage oil para sa adults, paghaluin ang 1 oz ng Marula Oil, 1 oz ng Jojoba Oil at limang patak ng peppermint oil.

MOISTURIZER

Mayroong mataas na Oleic Acid content ang Marula Oil. Ang Oleic Acid ay isang Omega 9 fatty acid na nakakapasok nang husto sa loob ng balat kumpara sa ibang oils at moisturizers. Mayroon din itong palmitic acid at ibang fatty acids na nagbibigay ng intense moisturization at long-lasting hydration ng balat. Hindi lamang sa mukha maaaring gamitin ang Marula Oil, puwede rin ito sa buong katawan.

MAKEUP PRIMER

Kalimutan na ang mga mamamahaling primers na puno ng chemical, subukan ang Marula Oil bilang natural na primer. Imasahe ang konting patak sa iyong mukha bago maglagay ng foundation. Magkakaroon ka ng matte finish na mayroong natural glow.

SENSITIVE SKIN SOOTHER

Ang mga sensitive skin mula sa razor burns, shaving, hyperpigmentation, rashes, sunburn ay kayang pakalmahin ng Marula Oil. Marahang i-apply lamang ito sa affected area.

HAIR PROTECTION

May kakayahan ang Marula Oil na protektahan ang iyong buhok mula sa UV rays, init mula sa curling iron at flat iron. Mayaman kasi ito sa antioxidants at essential minerals na lumalaban sa styling at environmental damage. Nino-nourish din nito ang dry, frizzy hair. Mabisa ito sa pagre-retain ng moisture sa strands at nire-restore nito ang healthy hair. Salamat sa mayamang antioxidants na matatagpuan dito.

Imasahe lang ang konting drops ng Marula Oil sa iyong buhok o maaaring ihalo ito sa shampoo o hair cream.

NAIL CARE

Puwedeng idagdag ang Marula Oil sa mga nail products dahil ang quick-absorbing active ingredients nito ay nakakatulong sa pagpapatibay ng marupok at damaged na kuko. Mino-moisturize din nito ang cuticles na nakakatulong para gawing stronger at healthier ang iyong mga kuko.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here