ANO BA ANG DAPAT GAWIN MAG SUOT NG BRA TUWING GABI O HUWAG MAG SOUT NG BRA?

Karamihan sa ating mga kababaihan ay nais na walang sout na bra dahil kumportable ito para sa atin lalo na kung ang bra natin ay iyong may bakal. Ngunit ayon sa mga matatanda ang hindi daw pag susuot ng bra ay magreresulta sa paglawlaw ng ating dibdib at napakarami pang haka haka kaya naman ngayon ay lilinawin namin sa inyo ang epekto ng hindi pagsusuot ng bra tuwing gabi.

1. MAS MAGANDA BANG HUWAG MAGSOUT NG BRA TUWING MATUTULOG?   Oo, isa sa dahilan nito ay pinipigilan nito ang sirkulasyon ng dugo sa bandang ibaba ng ating dibdib lalo na kung ang sout mong bra ay iyong mayroong bakal. Habang tayo ay natutulog ang bakal sa ating bra ay tumutulak sa ating pectoral muscle. Pinipigilan nito ang maayos na pagsisirkula ng dugo papunta sa iyong braso at ibang parte ng ating katawan.

2. ANG PAGTULOG NG NAKABRA AY NAGIGING SANHI NG HYPERPIGMENTATION   Ang hyperpigmentation ay ang hindi pagpapantay ng kulay ng ating balat dahilan rin ito upang magkaroon ng maiitim na parte sa ating balat . Ang hyperpigmentation ay dulot ng biglang pagdami ng melanin na ginagawa ng isang parte ng ating katawan. Ang pagtulog habang naka bra ay maaring mag dulot ng pagsusugat o paggasgas ng ating bra sa ating dibdib o iyong bakal ng ating bra maari rin kung masyadong masikip ito ay magiging dahilan ito upang mas mag produce ng melanin ang ating katawan na magdudulot ng hyperpigmentation.

3.  TUMUTULONG ANG HINDI PAGGAMIT NG BRA UPANG MAKAHIGA ANG ATING BALAT  Dulot ng ating bra lalo na ang mga masisikip na bra nagiiwan ito ng marka sa ating balat at ang hindi pagsusuot nito sa gabi ay tutulong upang maisaayos o makabalik sa ayos ang ating balat at makahinga ito.

4. NAKAKABUTI SA ATING PAGTULOG ANG HINDI PAG GAMIT NITO  Gaya nga ng nasabi ang pagsusuot ng bra habang natutulog ay maaring mag resulta sa pagkairita ng ating balat. Tumutulong ito upang mas maging kumportable ka, at mas maging alerto at maayos ang pagiisip sa susunod na araw.

5. MAS MAGANDANG MATULOG NG WALANG BRA   Tama iyan, mas maraming benepisyo ang makukuha mo sa hindi pagsusuot nito sa iyong pagtulog. Marami ang nagsasabi na ang pagsusuot daw ng bra sa pagtulog ay maraming benepisyo ngunit hindi pa naman talaga ito napapatunayan ng syensya.

Ngunit kung isa ka sa mga babaeng mayroong malaking dibdib maaring hindi ka maging kumportable na hindi magsuot ng bra kung magiging ganito ang sitwasyon pinapayuhan kitang magsuot ng bra na walang bakal o iyong bra na kumportable ka

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here