Ang Filipina Horoscope, Hunyo 12, 2020

Wag lamang po horoscope ang visitahin, manatili sandali at mag enjoy sa ating Filipina articles tulad Pampaganda, Health, Relationships, Diet, Sex, at marami pang iba. At mayroon din tayong Forum kung saan maaari kang makapag post ng mga anonymous topics at maari din tayong mag pahula at malaman ang kahulugan ng ating mga panaginip. Have Fun!!

ARIES THE DREAMER

(March 21 – April 19)  Binibigyan ka ng tyansa upang ipakita ang iyong nararamdaman sa sitwasyon ngayong araw. Kahit pa hindi mo naman gustong magmukang walang pakialam, ay kailangan mong maging totoo at tapat. Ang pagdedebate tungkol sa relihiyon, politika o kultura ay maaring maging dahilan ng iyong pagsikat. Dahil kaya mong sabihin ang mga bagay na takot ang iba na ipahayag. Makipag usap ka ng masinsinan at patas.

Daanan mo sa magandang pananalita upang ito ay lubos nilang maunawaan

TAURUS THE ARTIST

(April 20 – May 20)  Ang iyong malikhaing talento ay susi sa iyong pagpupunyagi. Napaka galing mong  gumawa ng mga napakagandang mga bagay. Ang pagbebenta ng iyong mga gawa ay magdudulot ng pagdami ng pera sa iyong pitaka at magiging dahilan ito upang mabili mo ang mga bagay na gusto mong bilhin. Ang pag bibigay sa iyong sarili ng mga magagandang bagay bilang reward sa iyong sarili ay tutulong sa iyo upang mas magpursigi pa.

Treat your self ibigay sa sarli ang mga bagay na magpapasaya sayo.

GEMINI THE DIPLOMAT

(May 21 – June 20)  Ikaw ay punong puno ng karisma at confidence ngayong araw. Ang paggamit nito upang makakuha ng tulong galing sa iba ay gagana ng malakas. Ito ang magandang panahon upang makautang ka sa bangko , mag interview at kahit ano pa. Ang pagtanggi sa iyo ay napakahirap gawin at para bang imposible. Gumawa ka ng mga bagay nais  mo ngayon at huwag pansinin ang takot na nadara mo dahil tutulungan ka naman ng karisma mo at positibong enerhiyang bumabalot sa iyo.

Gawin ang mga bagay na alam ikabubuti sa sarili itabi ang anumang pangamba,

CANCER THE EMPATH

(June 21 – July 22)  Ang pagalis muna upang magkaroon ng tahimik na oras upang magpakalma ay kailangan mo ngayon.  Kahit pa palagi kang nagaalala patungkol sa pinaka mamahal mong mga tao, kailangan mo munang alagaan ang iyong sarili ngayong araw. Gawin mo itong uportunidad upang maisaayos ang iyong sarili at ipunin ang iyong enerhiya. Patayin mo ang iyong selpon at huwag ka munang mag scroll sa iyong mga social media.

Maglaylo ka muna pansamantala.

LEO THE BOSS

(July 23 – August 22)  Ang pagiging aktibo upang magkaroon ng bagong kakayahan ay makakatulong upang dumami ang propesyonal na opurtunidad para sa iyo. Mag focus ka sa bagay na tingin mo ay magdadala ng pera para sa iyo. Kapag nagkaroon ka na ng kagalingang ito, ay magkakaroon ka na ng mga bagong bagay at opurtunidad na pagpipilian sa iyong palad.

Pagtalasin ng mabuti ang isipan upang makamtan na minimithi

VIRGO THE GIVER

(August 23 – September 22) Ang kagalingan ng iyong utak ay magagamit sa magandang bagay ngayon. Habang ang iba ay nagiisip ng sobrang tagal at kung anoano na ang ginagawa upang gawin ang isang problema ay napakadali lamang nito para sa iyo. Ang abilidad na ito ay para bang ginto at napakaraming pagkilala at reward ang makukuha mo.

Gamit ang talinong ito upang maging tanyag at umangat

Join us on Facebook

LIBRA THE LEADER

(September 23 – October 22)  Kung hinangad mo ang isang bagay, makukuha mo ito. Posible itong mangyari, gawin o kaya kunin ang kahit anong bagay na gusto mo. Ang susi dito ay subukan ang pagmamahal sa iyong sarili. Kung tinaasan mo ang iyong kompyansa mo sa iyong sarili, mas madali mong maaabot ang mga pinapangarap mo. Pagsusulat ng libro, pag enroll sa mas advance na pag-aaral, o kaya naman pagpunta sa ibang bansa ay nasa posibilidad.kahit na hindi ka maaring makakilos sa mga plano mo ngayon, mas mag-iisip ka nang mabuti upang mas mapaganda ang iyong plano.

Magplanong mabuti at paghanda ang iyong magandang bukas

SCORPIO THE MOTIVATOR

(October 23 – November 21)  Ang iyong pagiging madamdamin ay hindi kayang tapatan. Huwag ma stress sa pagtatago ng iyong nararamdaman, maganda sa pakiramdam na makita ang isang tao na hindi takot na magsabi kung ano ang ginugusto ng kanilang puso. Ang iyong good karma ay maari ding magbigay ng tulong upang maisip mo ang iyong hangarin. Nakatulong ka sa isang tao noong panahon na kailangan nila ng suporta, at ngayon sila ay magiging masaya na ibalik kung ano ang ginawa mo para sa kanila.

Wagmatakot na ibahagi sa iba ang iyong tunay na damdamin.

SAGITTARIUS THE SPIRIT

(November 22 – December 21)

Kung sino ang kilala mo ay maaring maging importante katulad ng kung ano ang nalalaman mo ngayon. Kung ikaw ay nahihirapan sa paghahanap ng trabaho, sabihan mo ang iyong mga kaibigan. Ilarawan mo ang iyong pangarap na trabaho. Ang isang tao na may madaming koneksyon ay maaring makahanap ng tamang posisyon para sa iyo. Bago mo ito malaman, nagsasaya kana sa unang araw ng katrabaho kasama ang nakakamanghang katrabaho.

Di masama ang humihingi ng tulong lalo na kung para ito sa iyong ikakaunlad

Join us on Facebook

CAPRICORN THE BRAIN

(December 22 – January 19)  Ang nakaka excite at ang kapakipakinabang na trabaho ay maaring mapunta sayo ngayon. Kahit na ang posisyon na ito ay lagpas sa iyong kakayahan sa una, wag mag-alala. Sa oras na naipakita mo na nagtatrabaho ka nang maayos, makakakuha ka kaagad ng promotions at pagtaas ng sahod. Ang iyong pagiging produktibo at pagiging magaling na tagapasunod ay nakikita ng iba. Kung nais mo na pabilisin ang progreso patungo sa tagumpay, gawin mo ang lahat ng iyong makakaya kasama ang pagmamahal sa sarili. Ipakita ang iyong galing at aking kakayahan.

AQUARIUS THE SEEKER

(January 20 – February 18)  Ang buwan sa iyong sign ay masayang kumokonekta sa araw sa iyong 5th House of expression, ginagawa itong mas kasaya-saya para ilabas ang iyong artistic side ngayon. Hindi mahalaga kung nasasayahan ka sa pag pipinta, pagsulat o kaya sa mga kanta, ang kahit anong bagay na nagbibigay ng inspirasyon ay nagpapakinang sa iyong mga mata. Sa kabilang banda, ang isang problema na nagpapabigat sa iyong puso ngayon ay maaring masulusyonan ngayon. Kumapit ka lang at magiging maayos ang lahat.

Be strong at maging matapang upang lahat ay maisaayos

PISCES THE TRAVELER

(February 19 – March 20)  Ang pagtatrabaho sa isang kapaligiran na tila ba naituturing mong bahay ay ang maglalabas ng kung ano ang maganda sayo. Kahit na ang social distancing ay ipinatutupad ngayon dito sa lugar na ito, maari ka paring makipag-usap sa iyong mga katrabaho gamit ang mga video calls. Kung ikaw ay wala sa trabaho, mag-isip sa pagpapatakbo ng isang home-based business. Kung ikaw ay may kakayahang iayos ang iyong sariling  oras at ayusin ang iyong sariling opisina sa iyong kagustuhan ay mas mapapagana ang iyong pagiging produktibo. Maging bukas ang isip tungkol sa bagay na maaring makapag palibang sayo at sa parehong oras ay kikita ka.

Palawakin ang isipan at gawin mo ang mas ikakabuti at ikaununlad ng iyong pinaghihirapan

Join us on Facebook

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here