MGA PRODUKTONG MAKIKITA LAMANG SA DRUGSTORE NA GINAGAMIT NG MGA SIKAT NA MAKEUP ARTIST.

Lahat naman tayo ay nagnanais na magkaroon ng magandang balat. Isa kasi ito sa mga nagpapaganda sa atin at para bang iba ang lindog mo kapag mayroon ka nito. Ngunit ito kasi ay makukuha mo sa magandang life style na ituturo namin sa inyo.

1. MAGING MALINIS SA IYONG MUKA AT MAGING SA KATAWAN  Linisin mo ang iyong muka gamit ang isang sabon na naayon talaga sa iyong balat magkakaiba kasi tayo ng uri ng balat mayroong oily type, dry at mayroon din naman combination. Pagaralan mo ang iyong balat at hanapin ang mga produktong naayon sa iyo. Ugaliin ring gumamit ng ibang sabon para sa iyong muka at katawaan dahil magkaiba ang pangangailangan ng mga ito.

Maghilamos ng dalawang beses sa isang araw. Para sa iyong katawan naman ay ugaliing maligo araw araw.

Kung nais mo ng mas matinding paglilinis mas magandang gawin 3 hanggang 4 na beses na isang linggo ay gumamit ka ng cleansing brush o facial brush.

2. MAG EXFOLIATE KA NG IYONG BALAT  Isa sa pinaka maganda at mabisang gawin ang pageexfoliate ng iyong balat para sa mabilis at pangmatagalang glowing skin. Inaalis kasi nito ang panlabas na layer ng ating balat at tinatanggal ang mga dead cell na nagiging dahilan upang hindi magandang tignan ang ating balat. Ang methos na ito rin ay base sa iyong skin type. Kung ikaw ay dry skin mas magandang exfoliating peel ang gamitin at mas limitahan ang pag gamit nito. Para sa ibang type naman ng balat maaring gumamit ng facial scrub o brightening peel.

3. PANATILIING HYDRATED ANG IYONG BALAT  Ang hindi pag gamit ng moisturizer ay nagreresulta sa dull at pagiging prone sa wrinkles. Dipende parin ito sa iyong balat kung dry skin ka mas magandang oil ang iyong gamitin kung ikaw naman ay oily skin mas magandang water based ang gamitin mong moisturizer maging adventurious at sumubok ng mga produkto at hanapin ang hiyang o nababagay sa iyong balat.

4. KUMAIN NG MGA PAGKAING MATAAS SA ANTIOXIDANT  Isa ito sapinaka mabisang paraan upang machieve mo ang glowing skin kumain ka lamang ng mga pagkaing mataas sa antioxidant gaya ng mga berries at mga mani. tumutulong ito upang maprotektahan ang iyong balat  sa uv rays at nakakatulong upang magkaroon ka ng pantay na kulay ng balat.

5. GUMAMIT NG SUNSCREEN  Isa ito sa pinaka mahalagang dapat inilalagay natin sa ating muka ang paglalagay kasi ng sunscreen ay tutulong upang makuha natin ang glowing skin. Isa kasi sa mga bagay na nagiging dahilan upang hindi tayo magkaroon ng glowing skin ay ang mga nakakasirang uv rays sa ating balat nakawrinkles rin ito kaya naman kailangan talagang mag lagay ng sunscreen. Maglagay nito araw araw at mas maganda kung isa hanggang tatlong beses.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here