MGA PARAAN UPANG MAIBSAN ANG STRESS

TIPS UPANG PAMAHALAAN ANG NAKABABAHALANG SITWASYON

Maaring ikagulat mo na ang stress ay hindi ganoon katagal mula noong madiskubre. Ito ay nadiskubre neto lamang 1950s ni Hans Selye na isang endocrinologist.

MAKINIG SA MUSIC

Kung ikaw ay nakakaramdam ng lubhang nakakastress na sitwasyon, subukan mong magpahinga at makinig ng nakakarelax na music. Ang pakikinig ng mahinahon na musika ay may magandang epekto sa utak natin at katawan, nakapagpapababa ng pressure ng dugo, at nababawasan ang cortisol, at isang hormone na nauugnay sa pagkapagod.

Inirerekomenda namin ang cello master Yo-Yo Ma playing Batch, pero kung hindi mo gusto ang classical, subukan mong makinig ng dagat o kalikasan na tunog.

ILABAS MO SA IYONG KAIBIGAN

Kung ikaw ay stress, magpahinga at tumawag ng kaibigan na maari mong paglabasan ng mga problema. Ang magandang relasyon sa kaibigan at pamilya ay importante sa healthy lifestyle ng isang tao. Mahalaga ang mga ito lalo na kung ikaw ay nasa ilalim ng maraming stress. Ang postibong mensahe ay nakapagpapabago ng pananaw ng isang tao.

PAKALMAHIN MO ANG IYONG SARILI

Minsan ang pagtawag ng kaibigan ay hindi option. Kung ito ang kaso, ang pagpapakalma sa sarili ay ang pinaka magandang gawin.

Wag kang mag alala kung nag mumuka kang tanga, sabihin mo lang sa sarili mo kung bakit ka na i-stress, ang kailangan mo lang gawin ay matapos na ang gawain na ito sa iyong kamay, at ang pinaka-importante, ang lahat ay magiging okay din.

KUMAIN NG TAMA

Ang antas ng stress at wastong diet ay halos magkaugnay. Kapag tayo ay nasasaktan, madalas natin nakakalimutan na kumain ng tama at puro matatamis lang ang nakakain natin, ang mga chitchirya minsan ang ating panraos.

Subukan mong iwasan ang mga matatamis na snacks at magplano ng maaga. Ang prutas at gulay ay parating nakabubuti, at mga isang may mataas na omega 3 acids ang napagalamang nakabababa ng sintomas ng stress. Ang tuna sandwich ay isang pagkaing nakakatulong sa iyong utak.

ITAWA MO LANG

Ang pagtawa ay nailalabas ang mga endorphin na nakapagpapabuti ng mood at nababawasan ang antas ng stress na nagiging sanhi ng ng hormones cortisol at adrenaline. Ang pagtawa ay na ti-trick ang iyong nervous system upang ikaw ay maging masaya.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here