MAAARI KA BANG MAGSWIMMING KAPAG MERON KANG BUWANANG DALAW?

Isa ito sa mga problema nating mga babae lalo na tuwing summer. Iyon bang maygala kayo o may outing kayong pamilya tapos biglang nagkaron ka ng mens. Ang tanong ay maari nga ba tayong mag swimming habang meron tayo o kung oo man ay paano?

1. MADUMI BANG MAG SWIMMING KAPAG IKAW AY MERON? Ang sagot ay hindi kung ikaw naman ay gumamit ng tampon o mentrual cup ( ang mga ito ay mga bagay na ginagamit kapag mayroon ka na pinapasok sa loob ng iyong vagina hindi gaya ng napkin na nasa labas) ay mababa ang posibilidad na magkaroong ng dugo sa tubig ngunit kung sakali man, ayos lamang ito dahil ang tubig naman sa swimming pool ay protektado laban sa mga kung ano man at hindi makakasama sa iba dahil sa chlorine na inilalagay rito. Hindi ka nakakasama sa iba at hindi ito madumi.

2. MAGKAKALAT KA BA NG DUGO SA POOL? Dahil sa pressure ng tubig ay hindi lalabas ang iyong dugo kung ikaw ay walang tampon o kahit anong gamit sa mentruation. Ngunit maari ka pa ding duguin kung ikaw ay tumawa, na aching o naglikot ngunit kaunti lamang naman ito at hindi rin mapapansin. Maghanda ka lamang dahil tutuloy rin ang pagdaloy nito pag angat mo sa pool.

3. MAIINFECTION BA KO SA SWIMMING POOL?   Mababa ang tyansang magkaroon ka ng vaginal infection dahil sa pagswiswimming. Kadalasan ang infection na nakukuha dito ay skin infection dahil sa dumi na naiipon sa pool kung gusto mo ay maari ka namang kumuha ng sample ng paburito mong pagswimmingan at ipatest ito. Ngunit maari ka paring maimpeksyon sa pool ngunit hindi ito dahil meron ka dahil kahit wala kang bwanang dalaw o hindi ka dinudugo ay maari ka paring makakuha ng bacterial infection upang maiwasan ito ugaliing maghugas kaagad ng maselang parte pagkatapos mag swimming at huwag gamitin ang panty na ginamit mo na o nabasa na sa pool.

4. MAS SASAKIT BA ANG PUSON KO KAPAG NAG SWIMMING AKO?    Ang pagswiswimming ay nakatutulong upang maibsan ang pananakit ng iyong puson kaya naman ang sagot ay hindi. Isa kasi itong uri ng exercise na tumutulong upang maibsan ang pananakit ng puson kasama na rito ang pagbibisekleta o mga ehersisyong hindi ganoon nakakapagod.

5. MALALAMAN BA NG IBA NA MERON AKO?   Ang sagot dito ay dipende kaya dapat kung mag swiswimming ka habang ikaw ay buwanang dalaw ay mag suot ka ng swimsuit na dark ang kulay gaya ng itim. Mas maganda rin kung mayroon kang kaibigang mapagsasabihan upang mas mapanatag ang kalooban mo.

Maraming salamat sa inyong pagbabasa at sana ay nakatulong sa inyo ang artikulong ito

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here