Ang Filipina Horoscope, Hunyo 10, 2020

Wag lamang po horoscope ang visitahin, manatili sandali at mag enjoy sa ating Filipina articles tulad Pampaganda, Health, Relationships, Diet, Sex, at marami pang iba. At mayroon din tayong Forum kung saan maaari kang makapag post ng mga anonymous topics at maari din tayong mag pahula at malaman ang kahulugan ng ating mga panaginip. Have Fun!!

ARIES THE DREAMER

(March 21 – April 19)  Isa ka bang basong kalahating puno o isang basong kalahating ubos? Kung iniisip mo na ang hirap ng buhay ay isipin mo na ilang bilyon ang tao sa mundo na masayang makipagpalit ng buhay sa iyo.

Maging kuntento at pahalagahan ang anumang meron ka

TAURUS THE ARTIST

(April 20 – May 20)  Kung mayroong isang bagay na gusto mong oohan ngunit hindi mo masabi ay maghanda ka na dahil makukuha mo na ito kung gusto mo ito ay kuhanin mo na at huwag ng magatubili pa.

Gawin mo ang alam ikakabuti para sayo at sa ibang tao

GEMINI THE DIPLOMAT

(May 21 – June 20)  Kailangan mong ipaalala sa iyong sarili na mayroon kang mga pangarap para sa iyong sarili at hindi mo kayang ayusin ng ayusin ang mga bagay bagay para sa iba

 Maging maayos ka at maging mapangarap.

Umahin mong tuparin ang pangarap upang mas makapagbigay tulong sa iba

CANCER THE EMPATH

(June 21 – July 22)  Maaring ayaw mo ng ipagpatuloy ang isang proyekto, ngunit ayos lamang ito. Kung ang iyong puso ay hindi na ito ninanais ay ayos lamang na bitawan mo na ito at mag focus sa mga bagay na naaayon sa iyong talento

Ilaan ang oras at panahon sa mga bagay na alam mong mas ikakaunlad mo

LEO THE BOSS

(July 23 – August 22)  Ang grupo grupong aktibidad ay nasa ilalim ng magagandang bituin ngayon kaya kapag ikaw ay tinawag upang mag trabaho bilang parte ng isang grupo sa susunod na mga araw hindi ka lang magkakaroon ng magandang oras ngunit mas pagagandahin pa ang iyong reputasyon.

Kaya ito ay agad mong sunggaban wag na mag atubili pa

VIRGO THE GIVER

(August 23 – September 22) Kung ano ang gusto mong gawin  at kung ano ang inaasahan ng mga tao na may awtoridad kung ano ang gagawin mo ay maaring maging magkaiba, ngunit hindi ito ang katapusan ng mundo. May mga daan upang abutin mo ang nais mo at abutin ang mga nais ng iba para sa iyo.

Timbangin mong mabuti ang iyong pagdidisisyon kung alin ba ang mas nararapatJoin us on Facebook

LIBRA THE LEADER

(September 23 – October 22)  Nanaisin mo na kumilos ngayong araw ngunit ang mga pangyayari ay sinasabihan ka na manatili kung nasaan ka. Oo ito ay nakakaproblema, ngunit kung ikaw ay wais, makakahanap ka ng magandang paraan upang gumana ito sa iyong paraan. Pahabain ang pasensya, makakakilos ka ulit sa nalalapit na panahon.

May tamang oras at panahon sa pagawa ng mga bagay na iyong ikakaunlad

SCORPIO THE MOTIVATOR

(October 23 – November 21)  Panatilihin mo ang iyong mga salita sa sarili mo ngayon, lalo na kung ang mga salitang ito ay maaring magbunga sa masasakit na pagdaramdam ng mga taong makakarinig nito. Maaring wala kang pakialam kung ano ang iniisip ng ibang tao, syempre, ngunit ito ang oras para baguhin ang iyong pananaw.

Pag-isipan muna ang mga nais sabihin bago mo ito bitawan sa iyong bibig

SAGITTARIUS THE SPIRIT

(November 22 – December 21)

Ang isang tao na iyong nagugustuhan ay maaring hindi pwedeng kitain ka ngayon, na maaring maging nakakalungkot, ngunit wag ito gawing malaking problema. Ikaw ay magkakaroon parin ng maraming opurtunidad upang magsaya ng magkasama sa susunod na mga linggo kaya tanggapin ito at patuloy na ngumiti.

Wag madaliin ang mga nais sapagkat ito ay mangyayri at mangyayari

Join us on Facebook

CAPRICORN THE BRAIN

(December 22 – January 19)  Ikaw ay magkakaroon ng magandang enerhiya sa iyong disposal sa susunod na mga araa, ngunit wag mo itong gamitin sa isang bagay lamang. Parehas sa bahay at sa trabaho ay subukan mo na kumilos sa mas tamang bilis, ang isang bagay na ginagawa na wala masyadong physical exertion.

Panalihin mo ang pagiging aktibo sa trabaho man o sa iyong tahanan

AQUARIUS THE SEEKER

(January 20 – February 18)  Sabihin mo ang kailangan mong sabihin ng simple. Para sa ibang tao ay parang wala kang awa o simpatya sa iba ngunit ang mahalaga ngayon ay malaman nila ang sinasabi mo ng agaran. Ang kanilang pakiramdam ay ipagsantabi muna.

Kung ito ay hindi nila mauunawaan sa una ipaliwang ng maayos upang ito ay kanilng mas mauunawaan

PISCES THE TRAVELER

(February 19 – March 20)  Huwag mong hayaang ang nararamdaman mo ay maaapekto sa iniisip mo. Maaring nais mong sabihin sa iyong mahal sa buhay na ang lahat ay magiging maayos rin, ngunit magiging totoo lamang ito kung haharapin mo ang mga problema at gumawa ng mga paraan upang maayos ito. Maging matatag at matapang upang maayos iyong masulosyonan

Join us on Facebook

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here