Ang Filipina Horoscope, Hunyo 8, 2020

Wag lamang po horoscope ang visitahin, manatili sandali at mag enjoy sa ating Filipina articles tulad Pampaganda, Health, Relationships, Diet, Sex, at marami pang iba. At mayroon din tayong Forum kung saan maaari kang makapag post ng mga anonymous topics at maari din tayong mag pahula at malaman ang kahulugan ng ating mga panaginip. Have Fun!!

ARIES THE DREAMER

(March 21 – April 19)  Ang isang taong nakilala mo dahil sa isang kaibigan ang makakalapit mo. Ngunit binabalaan ka ng mars na ito raw ay hindi magtatagal kaya sulitin mo na ito.

Gawin ang mga bagay na makapagpasaya ng lubusan para sa isang magandang alaala

TAURUS THE ARTIST

(April 20 – May 20)  Maaring nagugustuhan mo ang mga bagay na hindi kaya ng iba ngunit huwag kang masyadong madala rito dahil maaring maging pabigat ito sayo. Maaring malakas ka nga ngunit dapat ay alam mo ang iyong limitasyon.

Pag-isipan muna munang mabuti kung ito ba ay kailangan at magagamit

GEMINI THE DIPLOMAT

(May 21 – June 20)  Gumawa ka ng bagong gawain ngayon. Ang mga planeta ay nagsabi na sanay na sanay na raw ang mga tao sa iyong ginagawa dahil paulit ulit nalamang daw ito gumawa ka ng bagay na ikakagulat nila.

Mag-isip ng isang bagong bagay na hindi pa nila nakikitang ginagawa mo

CANCER THE EMPATH

(June 21 – July 22)  Kung maytaong gusto mong mapamangha ay ang pinaka magandang gawin ay ipakita mo sa kanila kung gaano ka maalaga. Ngunit subukan mo ring ipakita sa kanila kung gaano ka katatag at katapang.

Ipakita mo sa kanila ka hindi ka basta-basta sumusuko sa anumang laban at pagsubok na pagdadaanan

LEO THE BOSS

(July 23 – August 22)  Ang mga planeta ay nagsasabing wala kang dapat ipagalala at ang mga bagay ay magiging maayos. Kaya naman alisin mo na ang mga negatibong bagay sa iyong isipan.

Laging maging positibo sa anumang pinagdadaanan lahat ay magiging maayos

VIRGO THE GIVER

(August 23 – September 22)  Dahil ang iyong simbolo ay pinaghaharian ng planetang mercury ay minsan masyado kang mapagisip,ngunit ngayon ay mas paiiralin mo ang iyong emosyon.

Siguraduhing na ang emosyong ito ay hindi maging dahilan para sa iyong kasiraan

Join us on Facebook

LIBRA THE LEADER

(September 23 – October 22)  Subukan mong huwag masyadong mastress. Para bang ngayon ay kulang na kulang ka sa oras ngunit hindi ito totoo huwag mo itong madaliin dahil hindi magiging maganda ang kakalabasan nito.

Sabayan ang agos ng pangyayari at isipan kung ano ang nararapat diti

SCORPIO THE MOTIVATOR

(October 23 – November 21)  Mayroong mga oras ngayon at sa susunod na araw na mahihirapan kang kontrolin ang iyong emosyon. Ngunit huwag mo itong masyadong dalhin dahil gagawa ka lamang ng mga pagtatalo na walang ring mararating.

Maging matapang at malakas ka lamang

SAGITTARIUS THE SPIRIT

(November 22 – December 21)

Ilagay mo ang problema ng pamilya at relasyon sa tabi at magsaya ka muna. Minsan mas magandang huwag mo muna itong pansinin ng sagayon ay makapagisip ka ng maayos

Isantabi mo muna ang mga ito at damhin ang kaligayahan na kasama ang mahal sa buhay

Join us on Facebook

CAPRICORN THE BRAIN

(December 22 – January 19)  Ipangako mo sa iyong sarili na hindi mo na hahayaan ang iyong kawalan ng pasensyang sirain ang mga momento mo kasama ang isang mahalagang tao. Maaring kaayawan ka ng mga tao dahil dito.

Basta wala kang ginagawa masama sa iba gawin mo ang iyong ikakasaya

AQUARIUS THE SEEKER

(January 20 – February 18)  Ang mga araw na ito ay magiging masaya kasama ng iyong mga pamilya at kaibigan. Huwag mong hayaang ang pagalalala mo sa pera ang makasira nito.

Magfucos sa pagsasaya kasama ang buong pamilya minsan lang ang ganitong pagkakataon

PISCES THE TRAVELER

(February 19 – March 20)  Tutulong ka sa mga tao na kailangan ka. Ngunit huwag mong hayaang baliwalain ang iyong sarili. Mayroon karing buhay at dapat ay matuto kang humindi kapag sobra na.

Di masama ang magbigay ngunit siguraduhin mo ding may natitira para sa iyong sarili

Join us on Facebook

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here