PAANO MAHASA ANG IYONG ISIPAN

Ang ating ay utak ay may kinalaman sa lahat ng ating ginagawa, katulad ng ibang  parte ng ating katawan, kailangan din nitong maalagaan. Ang pagsasanay sa utak upang mapabuti ang memorya, focus, o kaya naman ang pang araw-araw na pag andar ay isang pangunahing prayoridad para sa maraming tao, lalo na kung tumatanda na sila. Ang mga tao sa kahit na anomang edad ay nakakatanggap ng benepisyo sa simpleng pagsasanay ng utak sa kanilang pangunahing araw.

1. SUBUKAN MO ANG BARAHA.

Kailan ang huling laro mo ng baraha? Sabi nila, ang mabilis na laro gamit ang baraha ay maaaring humantong upang mas maging mabilis ang pag iisip ng isang tao. Sinasabi din nila na ang paglalaro ng baraha ay nakatutulong upang ma improve ang pag iisip at ang memorya.

2. BUMUO NG TALASALITAAN.

Ang may malawak na bukabularyo ay isang paraan upang ikaw ay mag tunog matalino. Ngunit alam mo ba na pwede ka rin matuto ng mga bokabularyo gamit ang mga stimulating brain game? Ayon sa mga pagaaral napakaraming rehiyon sa ating utak ang involved sa mga gawaing pambokabolaryo, kadalasan sa mga lugar na importante para sa ating visual at auditory processing.

               ~Itabi mo lang ang libro na iyong binasa.

               ~Ilista mo ang mga hindi pamilyar na salita, tapos hanapin mo ang mga kahulugan nito.

               ~Subukan mong gamitin ang mga salita na yon ng limang beses sa susunod na arawml.

3. SUMAYAW NG BUONG PUSO

Ayon sa pag-aaral ang pagsasayaw ng bagong dance moves ay nakatutulong upang madagdagan ang pag poproseso ng utak sa bilis at memorya. Sa madaling salita, ihataw mo ang mga moves mo sa dance floor at ang iyong utak ay pasasalamatan ka.

               ~Sumali sa mga dance class gaya ng salsa, hip-hop.

               ~Subukan mong mag zumba o kaya naman ay jazz exercise

               ~Manood ng online video na may nakakaengganyong dance moves.

               ~Kumuha ng partner at matutong mag ballroom dance.

4. GAMITIN MO ANG IYONG LAHAT NG SENSES

Ayon sa pag-aaral ang paggamit ng lahat ng senses ay nakapagpapalakas ng utak.

Para mabigyan ng ang iyong senses at utak ng workout, subukan mong gumawa ng mga activity na ginagamitan ng limang senses. Pwede mong subukang mag bake ng cookies, o kaya naman ay subukan mo ang mga bagong restaurant habbang naka focus sa pang-amoy, pandama, panlasa, paningin, at pandinig ng sabay sabay

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here