PAANO MAHALIN

Ang lahat ay kailangan makaramdam ng pagmanahal. Isa itong importanteng aspeto nilang tao. Walang taong nabubuhay para sa sarili lamang, sabi nga nila. Kung ikaw ay nahihirapang magkaroon ng pagibig sa iyong buhay. O gusto mo lamang madagdagan ito simulan mo ito sa pamamagitan ng paggawa sa mga ito.

1. BUUHIN ANG PAGPAPAHALAGA SA SARILI. Kadalasan, tayo ay higit na minamahal hindi lang natin narerealize. Ang dahilan kung bakit ay hindi natin ito nakikita ay dahil iniisip natin na hindi tayo kamahal mahal kaya nawawalan tayo ng paniniwala. Pero ikaw ay kamahal mahal. Kung gusto mong labanan ang pagdududa sa iyong sarili, simulan mo sa pagbubuo ng pagpapahala sa sarili. Tandaan mo hindi mo kailangan maging perpekto dahil wala naman perpekto. Ikaw ay nakakahanga sa sarili mong paraan. Tandaan mo lamang ang iyong mga napakagandang nagawa at ang mga paghihirap na iyong napagdaanan. Kaya mong gawin ang lahat kung ikaw ay magsusumikap at kaya mong gawin na mapaganda ang ating mundo.

2. RESPETUHIN MO ANG IYONG SARILI. Kung nirerespeto mo ang iyong sarili, ganon din ang ibang tao sayo. Alagaan mo ang iyong sarili at tratuhin mo ito ng tama. Alagaan mo ang iyong sarili sa pamamagitan ng pagsasanay ng kalinisan sa iyong katawan at pagsusuot ng malilinis na damit na sakto sa iyong sarili. Wag mong ibaba ang iyong sarili at wag mong hayaan na pagtulakan ka lang ng ibang tao. Ito ay nagpapaalam sa kanila na sa tingin mo ay worth it ka, at sila ay mag uumpisa nang sumang-ayon sayo.

3. GAWIN MO KUNG ANO ANG GUSTO MO. Ang pagmamahal mo sa isang bagay gaya nalamang ng pagsusulat o paglalaro ay isa sa mga tutulong upang mainspired sayo o mamangha sa iyo ang ibang tao. Mas gugustuhin nilang nasa paligid ka nila dahil nakakaramdam sila ng ginhawa sa mga bagay na passionate sila. Ipursigi ang iyong ninanais makuha at hayaan mo ang mga tao na makita ito. Kahit na sa tingin mo ay kakaiba ito.

4. MAGING MABAIT. Ang iyong ugali ay ang kanilang basehan. Ngumiti at maging malalapitan palagi. Subukan mong maging masaya hangga’t kaya mo. Kung may magtanong man sayo, sagutin mo ito ng mahinahon at ng may paggalang. Kapag trinato mo ang isang tao ng may buong respeto ay ganon din ang gagawin nila sayo. Mag bigay ka ng respeto sa mga nakakasalamuha mo. Makipag usap ka ng mahinahon sa mga matatanda kaya naman ang iyong pag uugali ay magugustuhan ng nakararami.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here