BENEPISYO NG CALAMANSI

Ang kalamansi ay isa sa pinaka ginagamit natin, maaring pampalasa , para sa sawsawan , juice pang gamot o kahit ano pa. Ngunit bakit hindi natin palalimin ang iyong kaalaman tungkol sa mga benipisyo nito ng sagayon ay makatulong ito sa iyo at saiyong pamilya. Narito ang mga benepisyong ibinibigay sa atin ng calamansi.

1.NAKAKATULONG SA PRESYON NG DUGO

Ang pagkakaroon ng mataas na sodium ay hindi maganda dahil nakakataas ito ng presyon ng dugo. Ang sodium ay dapat iwasan upang mapanatili ang normal na antas ng presyon ng Dugo at salamat sa mataas na potasyum na nilalaman ng kalamansi na napakahalaga dahil sa mga benepisyo ng vasodilation nito. Ayon sa pag-aaral, ang mataas na pag konsumo ng potassium sa ingles ay pinapalakas ang iyong proteksyon laban sa sakit ng bente porsyento.

2. PANGGAMOT SA DYABETIS.

Ang kalamansi ay may mayaman na fiber at ayon sa pag-aaral ang mataas na diyeta ng fiber ay nakakapagpababa ng asukal sa dugo at minementena ang asukal sa dugo, lipid at insulin ng taong may diyabetis

3. TUMUTULONG PAMPAPAYAT

Maliban sa pagkakaroon ng mababang calories, ang calamansi juice ay mainam na panunaw ng taba at  nakakapagpababa ng cholesterol sa katawan.

4. PAMPAGANDA NG BALAT

Dahil sa vitamin c content nito, ang kalamansi ay nakakatulong sa produksyon ng collagen sa katawan. Ang paglalagay ng calamansi juice sa balat ay may magandang epekto sa kutis at nakapagpapabata ng balat. Maliban dun, nakakatulong rin ito para madaling maghilom ang mga sugat.

5. PANGGAMOT SA TIGYAWAT

Maaaring hiwain lang ang kalamansi at direktang ipahid sa balat na apektado ng pagtatagihawat. Makatutulong ang matapang na katas ng kalamnsi sa pagpuksa ng mikrobyong nagdudulot ng tagihawat.

Maraming salamat sa inyong pagbabasa                                                              

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here