Ang Filipina Horoscope, Hunyo 5, 2020

Wag lamang po horoscope ang visitahin, manatili sandali at mag enjoy sa ating Filipina articles tulad Pampaganda, Health, Relationships, Diet, Sex, at marami pang iba. At mayroon din tayong Forum kung saan maaari kang makapag post ng mga anonymous topics at maari din tayong mag pahula at malaman ang kahulugan ng ating mga panaginip. Have Fun!!

ARIES THE DREAMER

(March 21 – April 19)  Dahil lamang mayroon kang nakakatawang paguugali hindi ibigsabihin ay mayroon rin ang iba nito. Kung ikaw ay nag joke at hindi ito nagets ng iba ay maaring nagkukunwari lamang sila at nais ka lamang galitin hayaan mo na ang mga ito

Basta kung ikaw ay nagbibiro o magjojoke siguraduhin mo lamang na hidni ka nakakasakit ng damdamin ng iba.

TAURUS THE ARTIST

(April 20 – May 20)  Ang isang gawaing ibinigay sa iyo ay nakakaboring ngunit kailangan mong bigyan ito ng buo mong atensyon. Magfocus ka sa mga magagandang mangyayari sa iyong buhay upang maging masaya ka.

Ibigay mo ang makakaya at tiyak ang magandang pagpapala

GEMINI THE DIPLOMAT

(May 21 – June 20)  Ang isang hidwaan sa pagitan mo at ng isang tao ay kailangan ng maresolba. Kahit anong mangyari at kahit anong sabihin ng iba ay kailangan kayong magkasundo.

Kausapin mo siya ng masinsinan at ayusin ang anumang hindi pagkakaunawaan

CANCER THE EMPATH

(June 21 – July 22)  Ang papalapit na eclips ay magiging dahilan upang mas maging sensitibo ka sa mga nangyayari sa iyong paligid, kaya naman magingat ka sa mga bagay na makakapagpagalit at lungkot sa iyo.

Mas makakabuti ang pananahimik sa ganitong panahon upang maiwasan ang hindi magandang pangyayari

LEO THE BOSS

(July 23 – August 22)  Ikaw ay naniniwala na kaya mong hawakan ang isang mabigat na gawain ngunit ang mga taong mas may alam ay nagsasabi na kailangan mo ng kahit kaunting tulong. Hindi lang ikaw ang taong may magandang pag-iisip, kaya bakit hindi gumawa ng grupo upang magtrabaho bilang isang team?

Mas mabilis na matapos ang anumang gawain o alituntunin kung kay pagtutulungan

VIRGO THE GIVER

(August 23 – September 22)  Ang eclipse bukas ay hinahati ang major acis sa iyong chart, kaya parehas sa bahay at sa trabaho may pangyayari na maari kang mag react ng sobra sobra sa mga mangyayari o kaya magsalita ng mga bagay bagay. Para sa iyo ay hindi ito ganoon ka seryoso ngunit ang iba ay maaring seryosohin kung ano ang iyong mga nasabi.

Mag- ingat sa naumang salita na bibitawan upang gulo ay maiwasan

Join us on Facebook

LIBRA THE LEADER

(September 23 – October 22)  Kahit na ano man ang mangyayari sa susunod na mga araw dapat kang gumawa ng effort upang mapanatili ito sa iyong pananaw. Maaring maging importante to ngayon ngunit sa mas mataas na pamamaraan ay hindi ito ganoon kaganda, kaya wag hayaan ito na baguhin ag iyong pag-iisip sa mga importanteng bagay.

Alamin kung ano ba ang mas mahalaga at makakabuti para magpasya

SCORPIO THE MOTIVATOR

(October 23 – November 21)  Habang ang eclipse bukas ay hinati ang iyong financial axis sa iyong chart makikita mo ang iyong sarili na nag-aalala tungkol sa iyong pera at mga investments. Wag ka mag-alala. Ang pera ay mapupunta sa hangganan kaya wag magbigay ng malaking importansya.

Basta alam mo kung alin at saan mo lamang dapat ito gagawin at gagamitin iwasan muna ang paglulustay ng hindi naman ganun ka importante

SAGITTARIUS THE SPIRIT

(November 22 – December 21)

Ang lunar eclipse kinabukasan sa iyong sign ay nagsasabi na ikaw ay magiging sensitibo sa pangungutya na maaring maging madami . Maging kalmado at paalalahanan ang iyong sarili na kung ano ang sinasabi ng ibang tao sayo ay maaring magresulta sa negatibong paraan kung ito ay dinamdam mo kaya hayaan mo nalang ito.

Basta alam mo kung ano ang totoo kaya deadma lang ang iyong peg.

Join us on Facebook

CAPRICORN THE BRAIN

(December 22 – January 19)  Naiisip mo na ikaw ay maraming kaaway sa lahat ng direksyon ngunit totoo ba ito o ang isip mo lang ang gumagawa ng mga ito? Wag mo isipin ang ganitong bagay at ang isipin mo lang na ang lahat ng iyong nakikilala ay iyong kaibigan at maaring maging totoo ito.

Wag masyadong maging judgemental minsan ito ang naging daan sa hindi pagkakaunawaan

AQUARIUS THE SEEKER

(January 20 – February 18)  Mas pinagkakatiwalaan mo ang iyong isip kaysa sa iyong nararamdaman ngunit ngayon ay mas mahihirapan kang gawin ito. Panatilihin mo ang pagpapaalala sa iyong sarili na hindi dapat masyadong isipin ang mga bagay bagay.

Sumabay ka sa agos ng buhay ngunit siguraduhin na para ito sa mabuting kapakanan

PISCES THE TRAVELER

(February 19 – March 20)  Kailangan mong maging masipag at gawin ang mga kailangan mong gawin lalo na ngayon dahil makakatulong ito upang mag tagumpay ka dahil may taong nakamasid sa iyo na nais kang bigyan ng opurtunidad.

Ipakita sa kanila na karapat dapat ka sa oportunidad na ito.

Join us on Facebook

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here