MGA BAGAY NA DAPAT AT HINDI DAPAT GAWIN UPANG MAGKAROON NG MAGANDANG BALAT

Lahat tayo ay nagnanais ng magandang balat, iba nga naman kasi ang dating kapag makinis at malambot ang iyong balat. Maari mo naman itong makamit basta dapat ay alagaan mo ang iyong balat hindi lamang alaga ngunit dapat ay tamang pagaalaga.

  • MAGHILAMOS DALAWANG BESES SA ISANG ARAW

Dapat ay maghilamos tayo sa umaga upang maalis ang mga naipong oils atmga bagay na inilabas ng atingbalat habang tayo ay natutulog magandang gumamit ng mild soap sa umaga. Sa gabi naman ay kailangan rin nating maghilamos upang matanggal ang mga dumi, oil at impurities na naipon sa ating balat. NGUNIT!! huwag sosobra maganda ang paghihilamos ngunit hindi ka dapat sosobra dahil baka pati ang mga oils na kailangan ng ating balat ay matanggal mo na at baka maging sensitibo pa lalo ang ating balat.

  • PALAGING MAG LOTION

Simpleng paraan lamang ito ngunit malaki ang tulong nito sa ating balat. Tumutulong ito upang mapalambot ang ating balat at ma hydrate ito nakakatulong rin ito upang proteksyonan ang ating balat at mapakinis. Piliin mo ang mga lotion na mayroon ng kasamang spf upang maprotektahan ang ating balat sa mga harmful uv rays galing sa araw.

  • UMINOM NG TUBIG

Baka napakarami mong ginagamit sa iyong balat ngunit hindi ka naman umiinom ng tubig. Ang paginom ng tubig ay isa sa pinaka makakatulong upang mapalambot at mapaganda ang iyong balat.Ang tubig ay malaking tulong sa ating katawan, dahil inaalis at tinatanggal nito ang toksin at lahat ng dumi sa ating katawan. Ngunit , kailangan mo ring iwasang uminom ng alak, carbonated na inumin, sobrang matamis na inumin at ibang pang nakakasira sa iyong kalusugan at katawan.

  • HONEY

Ang paggamit ng honey ay isa sa mga natural na paraan upang mapaganda ang iyong balat.Ipahid ang pulot o honey sa iyong mukha at leeg, hayaan manatili sa iyong mukha hanggang 10 minuto, saka banlawan ng malamig na tubig. Ito ang simpleng lunas na nakakalambot at nakakakinis ng balat. Pwede ka ring gumawa ng malapot na paste, 3 kutsarita ng pulot o honey at kalahating kutsarita ng sinnamon powder. Ipahid sa mukha at hayaan ng magdamag sa iyong mukha. Sa umaga ay banlawan mo ito ng maligamgam na tubig.

  • MAGPALIT NG PUNDA AT SAPIN SA KAMA

Sa dami ng oils na lumalabas sa ating muka at mga duming naiipon dito hindi nakapagtataka kung madaming kung ano ano ang tutubo sa iyong balat. Maging responsable at malinis ka regular na palitan ang iyong punda gawin ito isa o dalawang beses sa dalawang linggo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here