ANG MGA SURPRISING BENEFITS NG LAVENDER OIL

Ang lavender scent ay kilala sa pagbibigay ng calming and soothing feeling. Pero marami ang hindi nakakaalam na marami ring benepisyong naibibigay ang lavender oil sa balat, buhok at kalusugan.

HELPS TREAT ACNE

Ayon sa mga dermatologists at aromatherapists, ang lavender oil ang isa sa pinakamabisang panlaban sa acne. Mayroon kasi itong anti-inflammatory at antiseptic properties na nakakapatay ng bacteria na nagdudulot ng acne. Nire-regulate rin nito ang over-secretion ng sebum at nire-reduce rin ang signs ng scarring kapag nagsimula nang gumaling ang acne.

Maaaring magdagdag ng small amount ng lavender oil sa iyong skin cream o ointments para bumilis ang paggaling ng acne. Puwede ring maglagay ng lavender oil sa cotton swab at diretso iyong i-apply sa acne blemish.

DETOXIFIES THE SKIN

Dahil sa exposure ng balat sa environmental toxins at pollutants, hindi na nakakasorpresa na lumalala ang kondisyon ng ating balat sa paglipas ng araw. Pero huwag mag-alala dahil mayroong mga antioxidants ang lavender oil na may kakayahang labanan ang mga harmful effects ng pollutants sa ating balat.

Ayon sa pag-aaral na ginawa ng Howard University College of Medicine, Washington DC, napag-alaman na ang lavender oil ay isa sa iilang potent essential oils na nakakapagpatigil ng growth ng bacteria sa balat.

SKIN LIGHTENING

Dahil sa anti-inflammatory properties ng lavender oil, nakakatulong ito sa paga-alis ng redness at blotchiness ng balat at ibinabalik nito ang bright, natural skin tone. Sa regular na paggamit ay nakaka-reduce ito ng dark age spots at iba pang klase ng skin discoloration at hyperpigmentation.

WRINKLE PREVENTION

Dahil puno ng antioxidants ang lavender essential oil, pinoprotektahan nito ang balat mula sa damaging free radicals na nakakapagdulot ng fine lines, wrinkles at iba pang signs ng aging.

Maaaring paghaluin ang lavender oil at coconut oil, gamitin itong moisturizer sa umaga at gabi o sa tuwing mararamdamang dry ang balat.

SUNBURN TREATMENT

Ang paggamit ng diluted lavender oil sa balat matapos ang pagbababad sa ilalim ng araw ay nakakatulong para sa pagbibigay ng relief sa sunog na balat. Mag-cool shower o  maghilamos muna ng malamig na tubig saka pahiran ang apektadong bahagi ng balat ng pinaghalong coconut oil at lavender oil. Ulitin ito hanggang kinakailangan.

HEALS BURNS

Dahil sa antiseptic at anti-inflammatory properties ng lavender oil, maaari rin itong gamitin para pagalingin ang sunog na balat. Tumutulong din ang lavender oil sa paga-alis ng scars. Mayroon din itong pain-relieving effect.

Maglagay ng ilang patak ng lavender oil sa nasunog na bahagi ng balat matapos itong ilagay sa ilalim ng running water sa loob ng sampung minuto. Ang paglalagay ng lavender oil ay nakakapagpabilis ng healing process. Pero kung serious burns ang natamo, mabuting kumonsulta sa doctor.

HEALS INSECT BITES

Ang lavender oil ay matagal nang ginagamit bilang panggamot sa insect bites. Maglagay lang ng ilang patak ng lavender oil sa insect bite at mapapansin mo ang pagbawas ng kati at pamamaga nito. Puwede ring gamitin ang lavender oil bilang insect repellant. Pero hindi ito advisable gamitin sa mga bata dalawang taon pababa.

TREATING TIRED MUSCLES

Ayon sa mga pag-aaral, napag-alaman na mabisang pang-alis ng pagod sa muscles ang lavender oil. Maglagay lamang ng apat hanggang anim na patak sa isang malaking bowl ng maligamgam na tubig. I-soak doon ang kamay at paa sa loob ng sampung minuto para ma-refresh at ma-relax ang pakiramdam. Maaari ring imasahe ang ilang patak ng lavender oil sa iyong paa bago matulog. Bukod sa paga-alis ng pagod sa iyong paa, nakakapag-hydrate at nakakapagpalambot din ito ng rough spots o patches sa paa.

CONTROLS HAIR LOSS

Dahil nakakatulong ang lavender oil sa paglaban sa insomnia, stress, anxiety at depression na ilan sa mga dahilan ng pagkalagas ng buhok, nakakatulong ito sa paglaban sa hair loss. At sa regular na paggamit ng oil na ito sa pagmamasahe sa anit, gumaganda ang sirkulasyon ng dugo kaya gumaganda rin ang pagtubo ng buhok.

TREATS DANDRUFF

Namomroblema ka ba sa makating anit at balakubak? Huwag mag-alala dahil kayang solusyonan ‘yan ng lavender oil. Paghaluin lamang ang labinlimang patak nito at dalawang patak ng olive oil o almond oil. Painitan ang mixture sa loob ng sampung segundo. Imasahe sa anit ang mainit na oil mixture na ito at maglagay ng shower cap. Banlawan gamit ang mild shampoo makalipas ang isang oras.

TREATMENT OF HEAD LICE

Dahil powerful antiseptic, may kakayahan ang lavender oil na pumatay ng mga lisa at itlog nito. Imasahe lang sa anit ang lavender oil sa loob ng dalawampung minuto bago mag-shampoo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here