WEIGHTLIFTING FAIRY’S LEE SUNG KYUNG’S BEAUTY AND FITNESS SECRETS

Bukod sa interesting plot ang isa pang dahilan kung bakit gustong-gusto kong nanonood ng mga Kdramas ay dahil nafa-fascinate ako sa kutis ng mga artista. Mapa-babae man o lalaki, super radiant at youthful-looking ng skin nila. Nakakainggit na nakaka-inspire kaya nag-research ako ng mga sikreto nila.

Ang isa sa mga kasalukuyang popular na aktres sa Korea na talaga namang may nakakahangang skin at figure ay si Lee Sung Kyung. Sumikat siya bilang Kim Bok Joo sa Korean drama na Weightlifting Fairy kung saan ay iniwan niya ang kanyang glamorous image para gumanap bilang isang boyish weightlifter. Kahit wala ang heavy makeup na nakita sa kanya nang gumanap bilang Baek In-ha sa isa pa ring sikat na Kdrama na Cheese in the Trap, litaw pa rin ang ganda ni Lee Sung Kyung at ito ay dahil sa kanyang natural na radiant, glowing skin.  Naniniwala kasi siya na ang flawless na mukha ay nagsisimula at nagtatapos sa perfectly-primed canvas. Binibigyan niya ng priority ang cleansing at paga-apply ng skincare sa tamang steps. Isa siya sa mga sumusunod sa multi-step skincare routine na popular sa mga Koreans. Oil cleansing, foam cleansing, exfoliating, toning, paggamit ng essence na sinusundan ng paggamit ng serum, boosters, ampoule, paggamit ng mask, eye cream at face cream.

Importante din kay Lee Sung Kyung ang paggamit ng sunscreen. Ayon sa kanya, harmful daw ang UV rays sa balat at nagiging sanhi din iyon ng premature skin aging. Hindi siya umaalis ng bahay na hindi naglalagay nito kahit sa days off niya.

Nirekomenda rin niya ang pagde-detox ng mukha sa pamamagitan ng pagmamasahe nito. Iminamasahe niya ang kanyang skincare products sa mukha. Gumagamit siya ng gentle tapping motions pagkatapos ng bawat step sa kanyang skincare routine. Naniniwala kasi siya na nakakatulong iyon sa pagco-contour ng kanyang mukha. Gusto ba ninyong subukan ang facial massage? Laging tatandaan na ang pagmamasahe ng mukha ay dapat laging pataas para labanan ang puwersa ng gravity. Mag-focus din sa pressure points sa gilid ng panga, inner at outer eye na mga key points sa pagde-drain ng toxins.

Problema ng marami ang pagkahulas ng makeup minsan kahit hindi pa man dumarating ang lunchtime. May tip din si Lee Sung Kyung para maging long-lasting ang makeup. Hayaan munang ma-absorb ng mukha ang bawat layer ng skincare o makeup product bago maglagay ng panibagong produkto. Kung gusto mong malaman kung na-absorb na ng balat ang produkto, idiin ang thumb sa mukha at kung ito ay damp, maghintay lang ng isang minuto saka mag-test ulit. Kaya kung gumamit ka ng liquid o cream foundation, huwag kang excited na patungan kaagad iyon ng foundation, hayaan munang ma-absorb ng skin ang naunang inilagay para hindi mag-cake at mahulas kaagad ang makeup na pinaghirapan mo.

Mahilig din si Lee Sung Kyung sa lipsticks. Ang go-to-look niya ay brown liner at coral lip. Surprisingly, hindi siya mahilig sa cat eyes na paborito ng mga Korean women. Gusto daw niya ng natural-looking eyes para ma-highlight ang kanyang labi. Pagdating sa foundation, natutunan niya sa nakatrabahong mga makeup artists na manipis lang dapat ang paga-apply ng foundation para ma-achieve ang natural look. At mag-stick sa mga hydrating formulas para ma-prevent ang pagke-cake ng foundation. I-blend din iyon ng maayos para maiwasang magmukhang naka-maskara na. Isa pang tip, pagkatapos maglagay ng foundation, i-press ang tissue sa mukha para maalis ang excess product.

Facebook: https://www.facebook.com/Filipina-Proud

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here