6 Kasinungalingan na Sinasabi Tungkol sa Mga Single

Hindi natin maikakaila na may standards ang mundo pagdating sa love. May mga bagay na tingin nila ay tama at tingin nila ay mali katulad nang pagkakaroon ng asawa bago ka mag-30 years old.

Hindi ka dapat ma-pressure sa dinidikta ng mundo dahil hawak mo ang sarili mong oras. As long as ginagawa mo ang purpose mo at goals mo sa buhay, you’re on the right track. Ishe-share ko sa inyo ang mga maling sinasabi ng mga tao tungkol sa mga single na tao. Opinyon nila ito at dapat ay maging alerto ka sa mga ganitong misconceptions.

1. Sayang ka kasi single ka.

Hindi totoo yan! Dapat huwag mo isipin na porket single ka eh wala ka nang purpose sa mundo at wala ka nang kwenta. Never magiging totoo yan kaya huwag ka magpapatali sa standards ng ibang tao. Kapag may nagsabi sayo niyan, sabihin mo mas sayang siya kasi siya ang nakakaisip ng ganyang ideas imbes na mabuhay nang sa sarili niya.

2. Choosy ka kaya ka walang partner.

Maaaring may standards ka pagdating sa ibang tao, pero buhay mo yan kaya dapat ay walang makielam sayo. Huwag ka matakot kung nagseset ka nang sarili mong standards dahil ikaw ang papasok sa relasyon at hindi ang ibang tao na laging may opinyon sa life mo.

3. Naku malayo na agwat ng magiging anak mo niyan dahil single ka pa at walang asawa.

Kapag nakakarinig ako ng ganitong comment, mas pinipili ko na lang hindi patulan dahil napaka-offensive nito lalo para sa mga mag-asawang hirap magka-anak. Hindi totoo na kapag nasa late 20s ka at wala pang anak eh huli na ang lahat. Di porket late 20s ka na mag-anak eh too late.

4. Dapat magmadali ka na.

Never mo isipin na dapat ay magmadali ka na. Hindi nakukuha ang lahat sa pagmamadali. Take your time. As long as you are thinking about your future and doing everything to achieve your goals, you are on the right track. Huwag ka matakot at ma-pressure dahil sa opinyon ng ibang tao.

5. Kelangan mo na ng boyfriend.

Hindi lalake ang kukumpleto sayo: TANDAAN MO YAN! Bigyan mo ang sarili mo nang freedom na i-enjoy ang pagiging single. May mga tao na hindi kaya ang maging single, at may mga tao naman na na-eenjoy ang pagiging single. Kung ikaw yung pangalawa, go ahead, life mo yan!

6. Napag-iiwanan ka na.

Walang taong napag-iiwanan kahit kelan. Lahat ay may kanya-kanyang pacing. Go with the flow. Go with how you want to live your life. Don’t let lies pressure you. Don’t let other people set standards on how you should live your life.

Join us on Facebook

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here