PAANO ALISIN ANG CELLULITE

Ang cellulite ay naaapektuhan ang mahigit sa 85 percent ng mga kababaihan. Ito ay pinaka-common sa hita pero maaari ring makita sa binti, puwit at tiyan. Ang cellulite ay made up ng free-floating fat cells na nakadeposito sa ilalim ng balat. Ito ay mayroong distinct appearance na parang dimpled surface ng orange peel o cottage cheese. Hormones, genetics at unhealthy lifestyle ang kadalasang dahilan ng cellulite.

Kailangang alisin ang cellulites kapag lumabas ito dahil lumalala ito habang tumatanda. Maraming epektibong techniques ang nakakapagpabagal ng paglabas ng cellulites. Para i-manage ang cellulites, subukan ang mga sumusunod na simple at madadaling home remedies.

DRY BRUSHING

Ang dry brushing ang isa sa pinakasimpleng paraan ng paga-alis ng cellulite sa hita. Kahit pa maraming tao ang nagpapatunay ng pagiging epektibo nito, hindi pa rin ito sinusuportahan ng scientific evidence.  Ang proseso ng dry brushing ay nakaka-improve ng blood circulation at lymphatic drainage. Nag-aalis din ito ng build up ng toxins sa katawan.

Pinaniniwalaan na ang improved blood flow ay nakakatulong para gawing plump ang balat kaya nare-reduce ang appearance ng cellulites.

PROCESS:

-Bago magsimula, siguraduhing ang balat at brush ay parehong tuyo.

-Marahang mag-brush mula sa paa paakyat sa balikat, mag-focus sa areas na maraming cellulite. Simulan parati ang pagba-brush mula sa kaliwang bahagi ng katawan papunta sa kanan. I-concentrate ang pagba-brush patungo sa puso para ma-encourage ang pag-circulate ng dugo.

-Gawin ang dry brushing na ito sa loob ng limang minuto.

-Mag-shower para ma-wash-away ang dead skin cells at impurities

-Gawin ito isang beses araw-araw bago mag-shower sa loob ng ilang buwan, makikita mo ang improvement sa iyong skin texture.

NOTE: Siguraduhing gumamit ng brush na gawa sa natural fiber.

CAYENNE PEPPER

Ang cayenne pepper ay fat-burning food. Mayroon itong kakayahang painitin ang katawan, i-increase ang blood circulation at i-boost ang metabolism. Nakakatulong din ito sa paga-alis ng bad skin cells na pinapalitan ng strong healthy cells.

Ang regular na consumption ng cayenne pepper ay nakakatulong sa page-eliminate ng toxins sa katawan at nakakapag-reduce ng appearance ng cellulite sa hita.

PROCESS:

-Ihalo sa isang glass ng warm water ang one to two teaspoons ng cayenne pepper powder, one teaspoon ng grated ginger, at fresh squeezed lemon juice. Haluing mabuti.

-Inumin ang cellulite detox drink isa hanggang dalawang beses araw-araw sa loob ng dalawang buwan.

COFFEE GROUNDS

Ang magaspang na coffee grounds ay maaaring gamitin bilang exfoliating scrub para alisin ang dead skin cells at mag-regenerate ng new healthy cells. Ang pag-inom din ng kape ay nakaka-improve ng blood circulation.

PROCESS:

-Paghaluin ang ¼ cup ng coffee grounds, three tbsps. sugar, at two tbsps. coconut oil para maka-form ng paste. Imasahe ang paste sa area na mayroong cellulite sa loob ng ilang minuto gamit ang firm pressure. Banlawan ng maligamgam na tubig. Gawin ang remedy na ito dalawa hanggang tatlong beses bawat linggo hanggang makuha ang nais na resulta.

APPLE CIDER VINEGAR

Ang apple cider vinegar ay nakakatulong sa paga-alis ng cellulite dahil sa presensya ng minerals, potassium, magnesium at calcium. Nakakatulong ang mga ito sa pagfa-flushout ng toxins at water retention sa tiyan at hita. Nire-reduce nito ang bloating at cellulites. Nakakatulong din ang apple cider vinegar sa pagpapapayat at less fat means fewer cellulite pockets.

-Paghaluin ang one part apple cider vinegar at two parts water. Puwede ring dagdagan ng honey. I-rub ang solution sa affected areas. Iwan ang solution sa loob ng tatlumpung minuto bago banlawan ng maligamgam na tubig. Gawin ang prosesong ito dalawang beses bawat araw hanggang makita ang nais na resulta.

-Puwede ring inumin ang pinaghalong two tablespoons ng apple cider vinegar at one teaspoon ng honey. Inumin ito dalawang beses araw-araw.

Join us on Facebook

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here