Ang Filipina Horoscope, Hunyo 1, 2020

Wag lamang po horoscope ang visitahin, manatili sandali at mag enjoy sa ating Filipina articles tulad Pampaganda, Health, Relationships, Diet, Sex, at marami pang iba. At mayroon din tayong Forum kung saan maaari kang makapag post ng mga anonymous topics at maari din tayong mag pahula at malaman ang kahulugan ng ating mga panaginip. Have Fun!!

ARIES THE DREAMER

(March 21 – April 19)  Mayroon isang imbitasyon ang matatanggap mo, at dahil nga isa kang masiyahing tao ay tatanggapin mo ito at magsasaya ka. Huwag mong kalimutang masaya rin ang trabaho, huwag sosobra.

Sabi ang subrang kasayahan kapalit ay subrang kalungkutan

TAURUS THE ARTIST

(April 20 – May 20)  Kung titignan mo ng mabuti ang iyong pinansyal ay makakahanap ka ng mga paraan upang mas makatipid. Tandaan hindi lahat ng magandang bagay na magagamit natin ay kailangang bilhin.

Maging wais sa paggastos lalo na sa panahon ng krisis gaya sa panahong ito

GEMINI THE DIPLOMAT

(May 21 – June 20)  Hindi mo kailangang gumawa ng mga ispesyal na bagay. Mag enjoy ka lamang at maging masaya ka lamang sa iyong mga ginagawa. Deserve mo itong mga bagay na ito at nararapat lamang ito sa iyo.

Kahit sa simpleng bagay na alam mong mahalaga at nakakapagbigay ng kasiyahan sa ating sarili

CANCER THE EMPATH

(June 21 – July 22)  Hindi man ganoon ka relax ang araw na ito at parang medyo malungkot ka kailangan mo paring makipag kapwa tao at makipag bonding sa mga taong malalapit sa iyo. Ayusin mo ang iyong sarili at subukang maging masaya.

Bakit mo hahayaan na maging malungkot ka kung may paraan naman upang sumaya diba?

LEO THE BOSS

(July 23 – August 22)  Kung mayroong mga bagay sa iyong buhay na hindi ka masaya kailangan mo na itong palitan. Oo, ganoon lamang kasimple ngunit kailangan mong magdesisyon dito at maging matalino

Kung ang mga bagay na nakikita o ginagawa ay hindi kana naging masaya iwanan ito at gawin ang bagay na alam mong makapagpasaya sayo

VIRGO THE GIVER

(August 23 – September 22)  Maraming pressure at irita ang mararamdaman mo sa mga susunod na araw. Maging kalmado ka lamang at harapin ang mga ito ng mayroong buong loob at malinis na pagiisip.

Wag basta basta mag desisyon mag-isip muna bago magpasya

LIBRA THE LEADER

(September 23 – October 22)  Kailangan mong mas maging confident at mas maging adventurous kailangan mo ito at dapat ay maging masaya ka maging handa sa lahat ng mangyayari kahit pa ito ay hindi mo inaasahan.

Maging handa sa mga mangyayari ito man ay kasiyahan o kalungkutan maging matatag at matapang

SCORPIO THE MOTIVATOR

(October 23 – November 21)  Mas maging realistic ka tigilan mo na ang pagpapantasya sa mga bagay na alam mong hindi mangyayari. Ngunit huwag tigilan ang mangarap gumawa ng mga hakbang upang matupad ang mga ito.

Kung may pangarap ka gawan mo ng paraan upang ito ay iyong makamtan

SAGITTARIUS THE SPIRIT

(November 22 – December 21)

Hindi patas para sa iyo na kailangan pang magbigay ng opinyon ang ibang tao para sa iyong buhay ngunit ganoon lamang talaga ang buhay sa ngayon lumaban ka lang at hayaan ang mga taong ito

Ipakita mo sa kanila kung gaano ka katatag at di basta-basta napapabagsak

CAPRICORN THE BRAIN

(December 22 – January 19)  Base sa mga planeta, ang isang tao ay sinusubukang  ipitin ka sa iyong mga  pakpak ngayon o sa loob ng linggong ito. Magtatagumpay lang sila kung ikaw ay gumawa maaaring mag dala sa mga maling ito sa isang mas mataas na awtoridad kaya tignan ang iyong mga hakbang at wag mag tumigil hanggang dulo at itaas ang iyong mga paa at mga hakbang

AQUARIUS THE SEEKER

(January 20 – February 18)  Ang napakaraming gawaing nakatambak sa iyo ay hindi gagawin ang kaniyang sarili kailangan mong gawin ito at huwag kang tumigil hanggat wala ka pang natatapos

Minsan may mga bagay tayong kinatatamarang gawin ngunit wala tayong magagawa sapagkat ito ay kailangan

PISCES THE TRAVELER

(February 19 – March 20)  Walang ibang mas may pakialam kaysa saiyo, ngunit minsan masyado kang mapagmahal at maypake sa iba kaysa sa iyong sarili at nagiging dahilan ito upang gamitin ka ng mga tao sa iyong paligid.

Bago mo mahalin ang ibang tao mahalin at pahalagahan mo din muna ang iyong sarili

Join us on Facebook

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here