ALL ABOUT HAIR FALL

Talaga namang nakakatakot ang unexplained, excessive hair loss. Ang magandang balita ay mayroong paraan para i-solve ito. Narito ang mga dahilan ng pagkalagas ng buhok sa mga kababaihan at kung paano i-treat ito.

TELOGEN EFFLUVIUM

Ang telogen effluvium ay phenomenon na nagaganap kapag ang isang tao ay buntis, nagkaroon ng major surgery, nagkaroon ng drastic weight loss, o extreme stress kung saan ay maraming buhok ang nalalagas sa tuwing sina-shampoo, inii-style at bina-brush ang buhok. Puwede rin itong side effect ng certain medications tulad ng antidepressants, beta-blockers, at nonsteroidal anti-inflammatory drugs.

SYMPTOMS: Ang mga may telogen effluvium ay napapansin ang pagkalagas ng buhok 3 weeks to 6 months matapos ang stressful event.

SOLUTION: Sa mga kaso tulad ng pregnancy at major surgery, maaari kang maghintay hanggang bumagal ang paglagas ng buhok. Kung medication ang dahilan, maaari kang makipagusap sa doctor kung puwedeng bawasan ang dosage o mag-switch ng medication. Kung ito ay stress-related, gawin ang lahat para mabawasan ang anxiety.

HEREDITARY HAIR LOSS

Androgenetic alopecia ang tawag sa pagkalagas ng buhok dahil sa genetics at ito ang common cause ng hair loss.

SYMPTOMS: Para sa mga babaeng mayroon nito, nagsisimulang lumipis ang hairline sa likod ng bangs. Early 20s ay maaaring mag-develop na ang kondisyong ito. Vulnerable ka kung mayroon ding ganitong kondisyon ang iyong ina. Sa mga ibang kaso kalat sa anit ang hair loss.

SOLUTION: Mag-apply ng minoxidil (Rogaine) sa anit dalawang beses sa isang araw. Nagwo-work ang gamot na ito para sa parehong babae at lalaki. Ang mga babae ay dapat gumamit ng lower-strength formula para maiwasan ang unnecessary side effects. Iwasan kung buntis o nagpapasuso.

HYPOTHYROIDISM

Ang thyroid hormone ay responsible para sa basal metabolic rate hanggang sa pagtubo ng kuko at buhok. Kaya kung hindi sapat ang hormone na naipo-produce ng iyong katawan, nakakaapekto ito a pagtubo ng buhok.

SYMPTOMS: Ang mga symptoms ng hypothyroidism ay hindi maipaliwanag na weight gain, fatigue, constipation, depression at difficulty concentrating. Nagiging marupok din ang kuko, buhok at balat.

SOLUTION: Maaaring mag-prescribe ang iyong doctor ng thyroid hormone medication na maaaring mag-restore dito sa normal level.

IRON DEFICIENCY ANEMIA

Ang mga babaeng mayroong heavy periods o hindi kumakain ng sapat na iron-rich foods ay prone sa iron deficiency kung saan ang dugo ay walang sapat na red blood cells.

SYMPTOMS: Ang iron deficiency anemia ay nagdudulot ng extreme fatigue, weakness at pale skin, headaches, difficulty concentrating, cold hands and feet, hair loss.

SOLUTION: Kumain ng iron-rich foods tulad ng beef, pork, fish, leafy greens, fortified cereals, beans kasabay ng vitamin C na nage-enhance ng iron absorption. Ang mga babae ay nangangailangan ng 18 mg ng iron araw-araw, 8 mg pagkatapos ng menopause. Maaari ring mag-take ng supplements na specifically para sa weight loss. Hanapin ang mga key ingredients tulad ng silica, biotin, L-cysteine.

POLYCYSTIC OVARIAN SYNDROME

Ang kondisyong ito ay nagdudulot ng hormonal imbalance kung saan ang ovaries ay nagpo-produce ng maraming male hormones.

SYMPTOMS: Ang PCOS ay nagdudulot ng facial hair growth, irregular periods, acne, at cysts sa ovaries. Nalalagas man ang iyong buhok, mapapansin ang pagtubo nito sa ibang bahagi ng katawan.

SOLUTION: Karamihan sa mga kaso ng PCOS ay ginagamot ng birth control pills. Kung hindi ka maaaring gumamit ng birth control pills, maaaring mag-prescribe ang doctor ng spironolactone (Aldactone).

SKIN CONDITIONS OF THE SCALP

Ang unhealthy scalp ay nagdudulot ng inflammation na ginagawang mahirap ang pagtubo ng buhok. Ang mga scalp conditions na nagdudulot ng pagkalagas ng buhok ay seborrheic dermatitis (dandruff), psoriasis, at fungal infections tulad ng ringworm.

SYMPTOMS: Ang seborrheic dermatitis ay nagdudulot ng mabilis na pagpapalit ng balat sa anit kaya mapapansin ang malangis at yellowish scales na nasa balikat o buhok.  Maaaring resulta ito ng yeast na tinatawag na Malassezia, hormonal changes at excess oil sa balat.

SOLUTION: Ang bawat kondisyon ay nagre-require ng prescription: medicated shampoo para sa seborrheic dermatitis, medications o light therapy para sa psoriasis at oral antifungals para sa ringworm.

EXCESSIVE STYLING

Ang labis na pagsa-shampoo, styling, at dyeing ay nagdudulot ng harm sa buhok. Ang init at kemikal ay nakakarupok ng buhok na nagdudulot ng pagkaputol o pagkalagas nito.

SYMPTOMS: Kung ang fallout ay nagmula sa external damage dulot ng styling, mapuputol lang ito. Hindi makikita ang club-shaped, telogen bulbs sa dulo.

SOLUTION: Umiwas sa paggamit ng mga appliances na nakaka-overheat ng buhok. I-set ang dryer sa cool at low setting at i-minimize ang paggamit ng flat at curling iron. Huwag i-dye ang buhok nang higit pa sa one to two shades sa normal na kulay. Mas matindi kasi ang color change, mas maraming kemikal ang kinakailangan na nakakasira ng buhok.

Join us on Facebook

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here