ARGAN OIL: BAKIT MO ITO KAILANGANG GAMITIN?

Mula nang ma-reveal sa publiko ang maraming amazing health benefits ng tinaguriang “miracle oil” na ito, sumabog na ang popularity nito. Ang Argan oil ay nagmula sa prutas ng Moroccan Argan tree. Sa loob ng prutas na iyon ay ang maliit na buto kung saan nakukuha ang Argan Oil. Mula pa lamang 600 BC, ang mga Phoenicians ay ginagamit na ang oil na ito bilang gamot at pang-enhance ng beauty. Mayaman ang oil na ito sa vitamin A, C at E. Loaded din ito sa antioxidants, linoleic acid at omega-6 fatty acids.

MGA BENEPISYO NG ARGAN OIL:

ACNE TREATMENT

Ang triterpenoids na nakikita sa Argan Oil ay nagdudulot ng magandang benepisyo sa balat tulad ng treatment sa mild acne at nakakatulong din sa pag-alis ng mga bakas ng acne. Ayon din sa mga pag-aaral, nakakatulong ito sa pagbaba ng sebum levels. Kaya mababawasan na ang problema ng mga may oily skin pagdating sa greasiness ng kanilang balat.

Maglagay ng isang green tea bag sa isang tasa ng kumukulong tubig. Makalipas ang sampung minuto, alisin ang tea bag. Hayaang maging room temperature ang tsaa at saka idagdag ang dalawa hanggang apat na patak ng Argan Oil. Magdagdag ng isang patak ng tea tree oil. Gamitin ito bilang toner matapos ang cleansing at bago maglagay ng moisturizer.

REDUCES PREMATURE AGING

Dahil sa mataas na levels ng fatty acids, may kakayahan ang Argan Oil na bawasan ang signs ng premature aging. Ang regular na paggamit nito ay nakakabawas ng lalim at lala ng wrinkles. Nakakatulong din ito sa pagfe-fade ng age spots sa pamamagitan ng pagbabalik ng youthful elasticity ng balat at pagi-increase ng regenerative rate ng healthy skin cells.

Imasahe ang konting patak nito sa iyong balat. Mabilis itong ina-absorb ng balat. Wala rin itong greasy feeling na kadalasang ibinibigay ng ibang oil.

REPAIRS SPLIT ENDS

Kapag in-apply sa buhok, pine-prevent nito ang drying at environmental damage sa pamamagitan ng pagbalot ng Argan Oil sa hair shaft. Puwede itong gawing leave-in conditioner para ma-repair ang split ends at ma-prevent ang frizz at flyaways. Magpainit ng ilang patak sa iyong kamay bago i-spread ito sa iyong buhok. Imasahe sa scalp at mag-focus din sa ends ng buhok.

TREAT HAIR LOSS

Ayon sa mga pag-aaral na ginawa sa epekto ng Argan Oil sa buhok, dahil sa rich nutrient content nito, naii-stimulate nito ang hair na mag-produce ng mas maraming buhok. May mga research din na nagsasabing, nakakatulong ang Argan Oil sa mabilis na paghaba ng buhok.

Maglagay ng ilang patak ng Argan Oil sa iyong kamay, imasahe sa scalp gamit ang circular motion. Magsimula sa front hairline hanggang makaabot sa likuran ng ulo. Ulitin sa mga gilid ng ulo. Ipagpatuloy ang pagmamasahe sa loob ng labinlimang minuto para masigurong nakapasok sa scalp ang Argan Oil. At para ma-stimulate ang blood flow sa scalp at hair follicles. Gawin ito tatlong beses kada linggo para makita ang resulta.

PREVENT STRETCH MARKS

Nakakatulong ang Argan Oil sa pagpe-prevent ng stretch marks mula sa pregnancy, pubescent growth sa hips at mammaries o sa mabilis na pagtaas ng timbang. Inii-improve kasi ng Argan Oil ang elasticity ng balat at ginagawa itong hydrated. Painitin lamang ang ilang patak ng Argan Oil sa iyong palad at marahang imasahe ito sa balakang, hita at tiyan kung saan maaaring lumabas ang stretch marks.

STRENGTHENS NAILS

Nakakatulong ang Argan Oil sa pagpapalakas ng marupok na kuko. Dahil ito sa mataas na level ng Vitamin E. At dahil din sa mataas na antibacterial at anti-inflammatory properties ng Argan Oil, nakakatulong din ito labanan ang mga nail infections.

Siguraduhin munang naalis na ang nail polish at nabanlawang maigi. Maglagay ng konting patak sa bawat kuko at saka i-rub sa cuticle at nail bed. Ibabad hanggang matapos lagyan ang lahat ng daliri at saka banlawan.

Join us on Facebook

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here