Survey Says: Hindi Cheating ang Rason sa Break Ups

Kapag nasa isang relasyon o marriage ka, malaking effort ang kailangan ninyong dalawa ng partner mo para mapatagal ang pagmamahalan ninyo. Hindi madali lalo kung magkasama na kayo sa iisang bahay, at maaaring maging boring ang mga araw ninyo dahil nagiging cycle na ang lahat.

Minsan, maaaring matukso pa kayo at makahanap ng ibang taong makakapag-pasaya sa inyo. Cheating nga ba ang rason kung bakit naghihiwalay ang mga mag-asawa?

Ayon sa isang U.S. survey, ang stress sa trabaho (35%) ang naglalagay ng malaking pressure at tension sa isang relationship. Ang ibang rason naman ay masyadong pagod para sa pagtatalik (33%), mababang sex drive (28%), at problema sa pera (27%).

Pag-aaway tungkol sa mga anak at cheating ay kasama sa survey, pero hindi mataas ang rank nila. Ang ibang stressors din ay health issues at pag-aaway tungkol sa politika. Parte ng relasyon ang disagreements, kaya sobrang hirap talagang panatilihin ang isang masayang relasyon.

Basahin ang tips na ito para hindi kayo maghiwalay ng partner mo:

1. Maging aware ka sa mood mo pagka-uwi sa bahay

Madalas pag-uwi natin galing sa trabaho, mas mainit ang ulo natin at posibleng nauuwi natin ang stress natin mula pa dito. Magkaroon lamang ng conscious decision na hindi kayo magbabaling ng galit ninyo sa bahay. Pagka-pasok ninyo sa loob ng bahay, dapat alisin ninyo na lahat ng stress.

2. Gawin ninyong priority ang intimacy

Huwag ipagpaliban ang intimacy para sa partner mo dahil kailangan ninyo makuha ang strength mula sa isa’t isa. Kailangan ninyong patibayin ang pagmamahalan ninyo sa pamamagitan ng paglalagay ng sweetness sa pag-sasama ninyo.

3. Honesty is the best policy pag dating sa lahat

Importante na honest kayo sa isa’t isa at magiging posible ito kung may komunikasyon kayo na bukas palagi 24/7. Kailangan mahaba rin ang pasensya ninyo sa isa’t isa kahit gaano pa kahirap ang sitwasyon. Kapag ginawa ninyo ito, mas magiging madali ang pagsasamahan ninyo. Siguraduhin mo na kahit yung mga bagay na hindi madali para sayo i-share ay dapat handa kang sabihin sa partner mo. Pagkatiwalaan ninyo ang isa’t isa at bigyan ninyo ng room to grow ang relasyon ninyo.

4. Huwag ninyong pag-awayan ang pera

Para sa ibang tao, napakahirap mabuhay lalo na kung may problema sa pera. Magkakaroon at magkakaroon kayo ng problema sa pera ng partner mo, pero kailangan maging matatag kayo kahit anong mangyari. Huwag ninyong hayaan ang pera na sirain ang pinagsamahan ninyo.

Join us on Facebook

1 COMMENT

  1. Agree. Honesty is the best policy in a relationship. Kelangan din, mahabang pasensya at respeto para sa isa’t isa.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here