Mga Payo sa Pakikipagdate Para sa mga Babae Mula sa mga Lalaki

Sanay na tayong makarinig ng mga payo sa pakikipagdate mula sa kapwa natin babae. Pero ang payo na magmumula mismo sa mga lalaki, nakabasa ka na ba? Siguro bihira. Kaya alamin na natin kung ano ba ang nasa isip ng mga kalalakihan para sa kanilang perfect woman to date.

Una. Hindi pare-pareho ang mga lalaki. Lahat sila ay may kanya-kanyang personalidad na maaari mong magustuhan kaya kung ang nakaraan mong date ay hindi naging successful, bigyan mo ng chance ang iba at baka sakaling sa kanya ay sumaya ka na.

Pangalawa. Huwag itong gawing first and last date. Umorder ng tama para sa hapunan at huwag magpakalasing. Mas gusto ng lalaki na kilalanin ka kaysa mag food trip lang kayong dalawa. Mas maganda kung may mga interesanteng bagay kayong pag-uusapan kaysa sa pagkukuwento mo sa buhay ng iba.

Pangatlo. Takot sa commitment ang karamihan ng lalaki. Para sa kanila, getting to know each other lang ang stage ng pakikipagdate. Ayaw nila na dinidiktahan mo agad kung ano ang iinumin at kakainin nila sa date at kung saang venue ang gusto mo. Gusto rin nila ang tinatanong sila.

Pang-apat. Okay lang sa kanya ang imbitahan mo siya sa next date. Pero mas okay sa kanya kung hihindi ka sa oras na tanungin ka niya. Marami sa atin ang naniniwala na gusto ng karamihang lalaki ang easy to get woman, na sa isang date pa lang ay may pisikal connection agad para hindi mawala ang interes nito sa’yo. Pero nagkakamali ka. Mas gusto ng lalaki ang pa- hard to get dahil nakaka-challenge ito sa kanila.

Panglima. Huwag mong gawing libangan ang pagtawag at pagtetext sa kanya. Mas malaki ang posibilidad na hindi ka na niya pag-aksayahan ng panahon. Hintaying mo siyang makipag-communicate sa’yo. Kailangang balanse lang ang communication sa pagitan nyo. Kung mag-eeffort siya na kumustahin ka, you’re lucky, pero kung hindi, hanap ka na lang ng iba, o better yet, hintayin mo na lang si Mr. Right.

Pang-anim. Huwag kang assumera. Mahirap mag-expect na ikaw at ikaw lang ang bibigyan niya ng panahon o kaya ay palaging kayong dalawa lang na parang wala ng tao sa mundo. May mga kaibigan at kapamilya siya na pwede ninyong makasama sa mga lakad nyo kung kinakailangan. Pwedeng maging family date with him kaya ihanda mo na lang ang sarili mo.

Pangpito. Ipagpatuloy mo ang buhay sa kabila ng nakaka-excite ninyong mga dates. Hindi dapat uminog ang mundo sa kanya lang. Mas interesado ang lalaki sa babaeng busy sa kanyang sariling buhay at maging bahagi lang nito. Ang lahat ng achievements mo ay maipagmamalaki mo sa kanya. Huwag mo rin puputulin ang pakikipagbonding mo sa sarili mong pamilya at mga kaibigan dahil lang may date kayo. Gawin mo pa rin ang gusto mo bilang babae at hahangaan ka niya.

Join us on Facebook

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here